Kabanata 20

6.4K 162 22
                                    

AUTHOR'S NOTE: Huwag sana kayong mainis sa 'kin dahil lang sa chapter na 'to. Happy reading! XD


__________


Sa bahagyang pagtagilid ni Vivien ay nakita niya ang maamong mukha ni Calyx na nakahiga sa tabi niya. Katulad niya ay wala rin itong kahit na anong saplot sa katawan dahil kakatapos lang nilang magtalik. They were both insatiable. Pagdating sa sex ay magkasundong-magkasundo sila ni Calyx kahit mas bata ito sa kanya ng pitong taon. She's already thirty years old, by the way.



Kahit na nakapikit ang binata ay alam niyang hindi ito natutulog. Umisod siya palapit dito at saka sinamyo ang natural na amoy ng binata na humalo sa pabangong gamit nito. His scent was driving her crazy.



"Calyx?"



Umungol lang ang binata pero hindi dumilat ng mata.



"Huwag ka nang sumama kay Aliah na pumunta ng Floridablanca. Dito ka na lang sa tabi ko. If you want, we can go to Hawaii. Just don't go with her."



Aaminin niyang may kaba siyang nararamdaman isipin pa lang niyang magkakasama sina Aliah at Calyx. Maganda, mayaman at higit sa lahat ay ka-edad lang ni Calyx si Aliah kaya hindi malayong magkahulugan ng loob ang dalawa.



At hindi siguro niya matatanggap na mapupunta sa iba si Calyx na natutunan na niyang mahalin sa paglipas ng mga buwan na magkakilala sila. Kahit wala silang pormal na relasyon ng binata, natuto na siyang umasa na lagi lang nandiyan si Calyx para sa kanya.



"I can't. Hindi ko pwedeng papuntahin ng mag-isa si Aliah sa Floridablanca. Besides, ito na ang tamang pagkakataon para makaharap ko ang kapatid ko at ang taong naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko."



Naiintindihan niya si Calyx at ang kagustuhan nitong maghiganti. "Pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin sinasabi kung sino ang kapatid mo na nasa Floridablanca."



Naramdaman niya nang kabigin siya ng binata papalapit sa katawan nito. "Makikilala mo rin siya pagdating ng panahon. For now, let's get some rest. Mamaya ay aalis na kami ni Aliah papuntang Floridablanca. I need to save some energy."



At hindi na siya ulit nagsalita pa. Pero hindi niya sinunod ang sabi nito. Sa halip na matulog ay naglakbay ang isip niya pabalik kung kailan sila unang nagkakilala ni Calyx at kung paano ito naging parte ng magulo niyang buhay...



Before she became Vivien Romana, she was just Vivien. Wala siyang apelyido dahil hindi siya nagawang pabinyagan ng mga taong nagluwal sa kanya sa mundo. At the age of thirteen, she was abandoned by her mother samantalang ang tatay naman niya ay nakulong dahil sa pagtutulak ng droga.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Where stories live. Discover now