Kabanata 22

5.9K 159 5
                                    

Walang aberya na nakapasok sa loob ng Floridablanca sina Aliah at Calyx. Para pa ngang ine-expect na ng nakatalagang gwardiya ang pagdating nila. Nagpapakilala pa lang siya ay mabilis pa sa alas-kwatrong binuksan ng hindi naka-unipormeng lalaki ang napakalaking gate na nagkakanlong ng isang napakalaking mansiyon.



"Wow," hindi niya napigilang mamangha habang bumababa sila ni Calyx ng kotse. Para siyang nakatayo sa harap ng isang lumang gusali sa Athens, Greece.



"Wait until you see the other parts of this mansion. Based on my research, this place has more than fifty rooms plus a very huge library," pagku-kwento ni Calyx habang naglalakad sila palapit sa isang napakagandang pinto na bahagya lang nakasara.



Hindi na sila nag-abala pang kumatok dahil ang sabi ng lalaking sumalubong sa kanila sa may gate kanina ay diretso lang daw silang pumasok at may sasalubong na sa kanila.



Pagtulak nila sa magarang pinto ay tumabad sa kanila ni Calyx ang napakalaking sala-grande. Iyon na yata ang pinakamalaking sala na nakita niya sa buong buhay niya. At bago pa man sila makapunta sa pinaka-sentro ng sala na 'yon ay may nakita silang isang babae na sa tantiya niya ay halos kaedad lang niya na naglalakad pababa sa mataas na hagdan.



"Sino kayo?" tanong ng babae nang hindi man lang ngumingiti.



Bahagya siyang nakaramdam ng takot sa babae. Paano'y napaka-seryoso ng mukha nito. Kahit na maganda ang mukha nito ay nakakatakot itong pagmasdan dahil ni hindi man lang ito ngumingiti sa kanila.



"I'm Aliah. And this is my friend Calyx," humakbang siya ng kaunti para sana lumapit sa babae para makipag kamay dito nang bigla na lang itinaas ng babae ang isang kamay nito at naramdaman niyang hindi na niya maihakbang ang mga paa niya. Nang lingunin niya si Calyx ay ganoon rin ang nangyari dito. Para silang mga istatwang napako sa kinatatayuan nila.



"Ano ang ginagawa niyo dito sa Floridablanca?"



Sinikap niyang ipunin ang lahat ng lakas niya at saka muling sinubukang igalaw ang mga paa niya pero bigo pa rin siyang maihakbang ang mga iyon. Kinokontrol sila ng babae.



"W-we're here because of my mom," nauutal na sagot niya.



"Ano ang pangalan ng tanog hinahanap niyo?" tanong ulit ng babae.



"Mikaela. Her name is Mikaela."



Bahagyang nalukot ang mukha ng babae sa pangalang sinabi niya. Pero bago pa man ulit ito makapagsalita ay may narinig silang isang boses mula sa likod nila.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Место, где живут истории. Откройте их для себя