Kabanata 14

7K 188 3
                                    

Dahil walang naisalbang kahit na anong gamit si Aliah maliban sa relo niya ay wala siyang ibang choice kundi ang isangla iyon nang makarating sila sa bayan.

“Maraming maraming salamat po sa kabutihang loob niyo. Habang buhay po naming tatanawin na utang na loob ang pagliligtas niyo sa amin,” sabi ni Yuri sa dalawang bangkero na nagligtas sa kanila.

Siya man ay napatingin sa dalawang bangkerong nagligtas sa kanila. It was pretty obvious na hirap sa buhay ang mga ito pero halata ring masaya ang mga ito dahil nakagawa ang mga ito ng mabuti para sa kapwa.

“Wala po kaming maibibigay sa inyo sa ngayon bilang ganti sa kabutihang loob niyo po. Itong relo na lang po ang mayroon ako. At kakailangan ko pa po namin ito para makontak ang mga kamag-anak namin. Pero nangangako po kami na babalik kami dito sa lalong madaling panahon para makapagpasalamat po sa inyo. Mayroon po ba kayong ballpen man lang? Iiwanan ko po ang numero at address ko para po ma-contact niyo po ako kung sakaling kayo naman po ang mangailangan ng tulong,” mahabang litanya niya. She was just grateful na nakabalik na sila ng sibilisasyon.

At hindi naman siguro masama ang inaalok niya. Sa ngayon ay wala talaga silang maibabayad sa ngayon. Ang relo lang niya ang pag-asa nila ni Yuri para makahingi ng saklolo sa mga kamag-anak niya.

She needed fast cash para ma-kontak ang mga kamag-anak niya sa Leyte. Kailangan niyang malaman na okay lang ang mga ito upang tuluyan na siyang magkaroon ng kapanatagan ng loob. dahil sa totoo lang, hindi pa rin tuluyang nawawala ang pangamba niya dahil sa panaginip niya kanina.

“Hindi na kailangan, hija. Sapat na sa aming nakatulong kami sa inyo. Hindi naman kami naghahangad ng anumang kapalit. Pero kung sakaling maisipan niyong bumalik, aba’y lagi kayong welcome sa aming tahanan. Ipagtanong niyo lang ang pangalang Celso at Damian na parehong mangingisda, kami na iyon,” anang isang bangkero na nakangiti.

“Maraming maraming salamat po.”

Matapos magpalaalam kanila tata Celso at Damian ay tumuloy sila ni Yuri sa downtown ng San Vicente. Isa raw iyong bayan na malapit sa isla kung saan sila napadpad.

Nang makarating sila ni Yuri sa isang pawnshop ay napansin ng binata ang pananamlay niya habang hinuhubad na niya ang relo sa kamay niya.

“What’s wrong?” tanong ng binata.

“Wala. Masaya lang ako na nakaalis na tayo sa islang iyon,” she lied. Hindi naman talaga iyon ang dahilan ng pananamlay niya. Dahil kelan pa ba naging malungkot ang pagkaka-rescue mula sa isang virgin island?

The real reason why she’s feeling sad is that, she hates the fact na kailangan niyang isangla ang relong ‘yun na regalo ng mommy niya two years ago. Pero kung hindi niya naman iyon isasangla ay wala silang pera ni Yuri. Nangako na lang siya sa sarili na babalikan niya agad iyon para tubusin.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Where stories live. Discover now