Kabanata 23

5.8K 148 4
                                    

Kinagabihan nga ay isang malaking pagtitipon ang ginanap sa malawak na hardin ng Floridablanca. Sa tantiya niya ay aabot sa mahigit tatlumpo ang mga taong naroroon ngayon. Lahat ay masaya at may kanya-kanyang kausap. Natatandaan niya ang sinabi ni Calyx na tanging mga taong may taglay na kakaibang kapangyarihan ang nakakapasok sa loob ng Floridablanca. Pero sa paningin niya ay normal ang lahat ng taong naroroon. Kunsabagay, si Luna nga ay hindi niya inakalang may kakayahan palang kontrolin ang galaw ng isang tao.



Babalik na lang sana siya sa kwarto niya nang biglang sumulpot sa harap niya si Calyx.



"Kanina pa kita hinihintay na lumabas." Hinila siya nito papunta sa isang mesa na walang nakaupong bisita.



"Parang may mali sa party na 'to, Calyx," sambit niya. "Bakit magpapapa-party ng ganito kalaki ang isang tao para lang sa ating dalawa?"



"I've been thinking about that, too. I think this party has something to do with you. Baka may binabalak na masama si Yngrid laban sayo. Bukas na bukas kailangan nating makaalis sa lugar na 'to," mahinang sabi ni Calyx as if na may makakarinig sa kanila gayong malayo naman sila sa karamihan.



"But I need to know where my mom is. Kailangan ko munang makausap si lola Yngrid. Hindi ako aalis dito nang hindi ko nalalaman kung nasaan ang mommy ko," determinadong saad niya. Ngayon nakakita siya ng pagkakataon na makita ang mommy niya, hinding hindi na niya iyon pakakawalan. It's been years nang basta na lang itong mawala. Miss na miss na niya ito.



"Okay. Bukas na bukas din ay kakausapin natin si lola Yngrid para makaalis na tayo dito. Hindi maganda ang kutob ko sa mga nangyayari, Aliah. But for now, I want you to smile at papalapit sa atin ang matanda."



And in less than a minute ay nasa harap na nga nila si lola Yngrid na nakasuot ng itim na gown. Kumikinang rin ang suot nitong mga alahas.



"Good evening to both of you. Bakit mukhang hindi pa kayo kumakain? Enjoy the night, guys. Eat and drink anything you want. Huwag kayong mahihiya."



Napatitig siya sa mukha ng matanda. She was smiling but her aura was far from being amiable. "Bakit kailangang magpa-party pa po kayo ng ganito?"



"Because tonight is a celebration of your arrival, my dear," matalinhaga nitong sagot. "Come, I'll introduce you to the crowd."



Wala siyang nagawa nang hawakan ni lola Yngrid ang kamay niya at dalhin siya sa makeshift stage. Ngayon ay nakaharap na sila sa mga bisita. Lumapit ito sa mikropono.



"Good evening everyone," pagsisimula nito. "Let me interrupt for a while. May gusto lang akong ipakilala sa inyong lahat." Sinenyasan siya ni lola Yngrid na lumapit dito. "Come, dear." Lumapit nga siya. "Ladies and gentlemen, I want you all to meet Ms. Aliah Roman. Just like all of here, may kakaibang kapangyarihan din na taglay itong si Aliah."

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Where stories live. Discover now