Kabanata 24

5.7K 147 7
                                    

Kahit late nang natapos ang party kagabi, maaga pa ring nagising si Aliah kinabukasan. Pagtayo niya ay dumiretso siya sa bintana at sumilip sa labas. Napakaganda ng panahon. Mabilis na naligo siya at nagsipelyo. Saktong kakababa lang niya ng hair brush na gamit niya nang may marinig siyang kumakatok.



Binuksan niya ang pinto at nakita niyang si Luna ang nakatayo sa likod ng pinto. "Gusto kang makasabay ni lola Yngrid na mag-agahan."



"Susunod na lang ako. Titignan ko lang si Calyx sa kwarto niya," aniya sa kalmadong boses. Medyo nasanay na siya sa seryosong look ni Luna.



Nang umalis ito ay mabilis naman siyang pumunta sa katabing kwarto. "Calyx?" tawag niya sa pangalan ng binata habang kumakatok. Pero nakakailang katok na siya ay hindi pa rin bumubukas ang pinto. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob at nagtaka pa siya nang mapagtantong bukas iyon.



Hindi na siya nagdalawang isip na pumasok. Gigisingin na lang niya sa Calyx para may kasabay siyang kumain with lola Yngrid. Hindi yata siya kung siya lang mag-isa ang sasabay sa matanda.



Pero napasok na niya ang kwarto at CR ng silid na 'yon pero hindi niya makita si Calyx. Where are you? piping tanong niya sa sarili. Nang masigurong wala nga doon ang binata ay tumuloy na lang siya sa dining area ng mansiyon.



As expected, the dining hall was also huge. Sa gitna ay may napakalaking mesa na gawa sa glass at kahoy naman ang paa. Pwedeng magsalo-salo sa mesang 'yon ang tatlumpong tao.



"Good morning,, hija! Mabuti naman at nagising ka na. Halika at saluhan mo akong kumain," ani lola Yngrid na nakangiti sa kanya.



Tahimik na naupo siya sa kabilang bahagi ng mesa. Nakita niyang pumasok si Luna sa dining hall at naupo sa tabi ni lola Yngrid.



"Good morning din po. Itatanong ko lang sana kung nakita niyo po si Calyx? Pinuntahan ko po kasi siya sa kwarto niya kanina pero wala po siya sa kwarto niya."



Pinagsalikop ni lola Yngrid ang dalawa nitong kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Ang akala ko ay nagpaalam siya sayo kagabi? Kaninang wala pang alas-sais ay nagmamadali siyang umalis. Ang sabi niya ay may emergency daw siyang pupuntahan. Ang akala ko'y nagkausap kayo?"



Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng matanda. Bakit bigla na lang siyang iniwan ni Calyx na hindi man lang nagpapaalam? Bigla siyang nakaramdam ng inis sa binata.



"Pero huwag kang mag-alala at titiyakin kong magiging maayos ka habang nandirito ka sa Floridablanca. Bueno, kumain na muna tayo at may ipapakita ako sayo mamaya." Pinindot nito ang isang buzzer na nasa tabi nito at nakita niyang may pumasok na dalawang naka-unipormeng babae na tangan ang mga pagkain nila.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora