Chapter 2

1K 23 1
                                    

"Mr. Reyes, Ms. Santiago, Sit down." Pinaupo kami ni Mrs. Santos sa dalawang upuan sa harap ng table niya.

"Alam niyo na ba kung bakit ko kayo kakausapin?" Tanong niya sa amin.

"Opo." Sabay naming sagot.

"Alam niyo, dapat kayo ang nagiging modelo sa mga classmates niyo. Pero hindi dadaan ang araw na hindi kayo nagbabangayan sa harap mismo nila. Ginagawa nyong kumpetensya ang pag-aaral."

Nakayuko lang kaming pareho ni Josef.

"Marka lang yan. Ang importante natututo kayo. Okay, Minsan ko na kayong kinausap. Matatalino kayo alam ko, alam ko ring maiintindihan niyo ko. Late na kayo sa klase niyo. You may go."

Naglakad na kami papuntang classroom. Nauuna ako ng bahagya sakanya.

"Ms. Santiago, Mr. Reyes, Why are you late?" Tanong samin ni Ms. Angeles.

Bigla namang nagtilian yung mga kaklase namin.

"Kinausap po kami ni Mrs. Santos." Sagot ko.

"Ehem. May nabubuo palang love affair sa pagitan niyo ha. Okay sit down." Muli namang nagsigawan yung mga kaklase namin.

"Okay. At dahil late kayo, kayo dalawang sumagot sa problem na nasa board. I give you 2 minutes to answer." Kahit hindi naman kami late e, kami lang dalawa ni Josef yung lagi nyang pinapasagot sa board.

Natapos na namin pareho yung problem.

"45" Sagot ko.

"Mali. 57" Kontra naman ni Josef sa kabilang board.

"45! Isolve mo kasi ng mabuti. Nagpapanic ka e." Pagtataas ko nang boses sakanya.

"57. Mali mali yung compute mo e." Balik niya saakin.

"Ang hirap kasi sayo. Ayaw mong magpatalo."

"E kasi tama yung pinaglalaban ko."

"Hey! Shut up. Parang kayo lang dalawa tao sa classroom na to ah! Get out!" Bulyaw samin ni Ms. Angeles.

No choice kami. Iba kasing magalit yang teacher na yan.

Sabay kaming lumabas ng classroom. Pumunta kami sa may gymnasium nanuod nalang nang mga nagbabasketball.

Mga 10 minutes na kaming nakaupo dun nang nakita kami ni Mrs. Santos.

"Mr. Reyes, Ms. Santiago. Pumunta muna kayo sa stock room para hindi kayo mukhang tanga dito sa gymnasium. Bumalik nalang kayo sa classroom after 45 minutes." Sinunod naman namin si Mrs. Santos at pumunta nang stock room.

Pero ang masaklap, alam kong hindi ako makakatiis na kasama tong mokong to sa loob ng 45 minutes lalo na at kaming dalawa lang sa stock room. Tsk! Tutulugan ko nalang.

His DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon