Chapter 7

712 16 0
                                    

Bumili ako ng materials kahapon para sa puppet show contest.

Papasok na ko ngayon at kasabay ko nanaman si Josef. Ngayon, para na talaga kaming magkaibigan.

Gawaan ngayon ng props para sa contest bukas. Yung buong klase namin, sa classroom lang naggawa.

"Simulan na natin. Ang una muna nating gawin yung parang bahay na gagalawan ng mga puppets." Pagpapaliwanag ko sa mga groupmates ko.

Lahat naman nagcocooperate. Nakakatuwa yung mga groupmates ko. Sabay sabay pa kaming nagkakantahan habang gumagawa.


Ngayon, pinapako ko na yung bubong nung baha na ginagawa namin.

"Aju! Aray!" Angal ko. Napitpit kasi ng martilyo yung daliri ko.

Nagulat naman ako ng lumapit sakin si Josef.

"Ako na diyan. Magingat ka." Sabi niya at maayos naman niyang naikabit yung bubong para sa play.

"Dyan ka lang. Pupunta lang akong clinic." Sabi niya sa akin.

Nang pag dating niya, May dala na siyang band aid.

"Eto o." Nilagay niya sa daliri ko.

"Sorry Josef ha. Naabala pa kita sa paggawa." Paghingi ko ng paumanhin sakanya.

"Hindi. Okay lang. Magiingat ka." At bumalik na siya sa mga groupmates niya.

Natapos ang araw na gumagawa lamang kami ng props para sa play bukas.

Pauwi na ako ng habulin ako ni Josef.

"Sabay ako sayo ha." Katulad dati, puro jokes lang kami.

"Good luck satin bukas." Sabi ko sakanya ng makarating na kami sa labas ng bahay.

"Oo nga. Wala nang competition ha!" Nagtawanan lang kaming dalawa.

Pumasok na akong loob ng bahay at nagpaalam na rin sakin si Josef.

His DadWhere stories live. Discover now