Chapter 12

611 18 0
                                    

March 3. Graduation na namin. Nagtataka siguro kayo kung bakit masyadong fast forward ano. Hindi kasi ako umattend ng prom. Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga party e, nabalitaan ko din na hindi umattend si Josef.

The days after Feb.14, puro practice lang naman kami ng graduation.

And now, March 3, 2014. The most awaited day, gragraduate na kami ng highschool.

"Anak, ready ka na?" Tanong sakin ni mama.

"Yes ma, tara na?" Excited na excited na talaga ako.

"No anak, Magbabye ka muna sa lolo mo." Ah oo, alam kong hindi niyo alam. May lolo ako, age 76 na siya, isa siya sa naging papa ko.

"Ay. Masyado kasi akong excited e Ma" Pumunta ako sa kwarto ni lolo.

"Lo, aalis na po ako. Magiingat po kayo dito. Sayang at hindi kayo makakapunta sa graduation ko." Paalam ko sakanya.

"Apo, sobra akong hanga sayo! Napakatalino na. Napakaganda pa. Bukod dun, sobrang bait pa. Nangangatog na kasi yung tuhod ni lolo apo e, bigyan mo nalang ako ng medal mo ha" Sagot sakin ni lolo.

"Salamat lo. Sobrang proud rin po ako saiyo!" Nagdradramahan pa talaga kami ni lolo oh.

"Sige na apo. Alis ka na. Baka malate pa kayo o." Umalis na nga kami ni Mama.

Nang makarating kami ng gymnasium, nakaupo na yung mga graduate. Agad agad naman akong pumunta sa assigned seat ko.

Nakatingin naman sakin si Tito Jaden at si Josef. Kumaway naman ako sakanila.

Fast forward na uli. Nagbigay na nang maraming awards, tapos na ring magsalita yung mga dapat magsalita. Marami kami pareho nakuhang award ni Josef.

Ngayon, para naman sa salutatory adress. Agad naman akong huminga ng malalim.

"Sa lahat po nang nandito ngayon, magandang hapon! Mahirap po ang pinagdaanan ko bago ako makarating dito. Hindi kumpleto ang aking pamilya. Si lolo ang tumayo bilang papa ko. At sobrang thankful ako kay mama, kahit busy siya sa pagtratrabaho, hindi parin siya nagkulang sa akin." Tumingin naman ako sa kinauupuan ni mama, konti palang yung nasasabi ko pero umiiyak na.

"Si Tito Gab, 6 years old ako nang mamatay siya. Isa rin siya sa tinuring kong papa. Lagi kong kalaro sa araw araw, laging kabiruan, kasama ko sa lahat. Pero nang pumanaw siya, parang may nawalang isang parte sa puso ko. Tito Gab! Kung nasan ka man ngayon! Mahal na mahal kita" Nagsimula nang tumulo ang luha ko.

"Marami po akong pinaghuhugutan ng kalinga ng isang ama, Mga tito ko, mga officemates ni mama, at isa na dun yung lolo ko, si lolo na kasama ko araw araw. Nagpapakain sakin pag wala si mama. Kahit mahina na siya, di parin siya nagkulang sa akin"

"Sinasabi ko po sa inyong lahat, simula pagsilang ko wala akong nasilayang ama, wala yung tunay kong tatay pag bumabangon ako araw araw. Pero sobrang thankful po ako na kahit wala yung totoo kong ama. May mga tao parin na nagsisilbing tatay ko!"

"Teachers, classmates, everyone! Thank you to all of you!" Marami pa sana akong sasabihin pero hindi ko na naituloy dahil sa agos ng luha ko.

Pagbalik ko ng upuan. Yinakap ako ni mama.

"Makikita mo din ang papa mo anak" Kelan? Kelan? Gustong gusto ko na siyang makita.

His DadWhere stories live. Discover now