Chapter 6

760 17 2
                                    

Wednesday ngayon. Nakagayak na ko. Parang pag pasok ko mamaya, makakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko na kelangan makipag-compete kay Josef. Okay na din sakin kahit hindi ako maging valedictorian.

"Anak, andyan na yung sundo mo." Sigaw ni mama mula sa terrace.

"Ma? Sundo? Wala naman ako nun e. Ako lang naman lagi pumapasok magisa." Sagot ko kay Mama.

"Anak, Si Josef." Sagot niya sakin sabay wink.

"Sige ma. Pasok na ho ako." Humalik na ko kay mama at lumabas na ng pinto.

Bakit ako sinundo ni Josef? Tss.

"Good morning" Bati niya saakin.

"Good morning rin!" Balik ko sakanya.

"Bakit mo ako sinundo?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Wala. Diba friends na tayo?"

"Sabi ko nga." Hindi pala ganun kasama yung ugali ni Josef sa inaakala ko.

Naglakad na kami papuntang  school. Total walking distance lang naman.

Hindi awkward sa pagitan naming dalawa. Napuno lang ng mga jokes yung usapan namin.

"Mika may itatanong ako sayo. Nasa isang kwarto ka, kulob. May nagbabantay sa pinto na pusa, mabagsik. Anong gagawin mo para makalabas?"

"Papatayin ko yung pusa." Sagot ko sakanya.

"E mabagsik nga e" Angal niya.

"E pano?" Ayan. Sirit na ko

"Hilahin mo yung buntot." Sagot niya.

Tawa lang kami ng tawa hanggang makarating kami ng school. Yung tipong parang matagal na kaming magkakilala.

"Oy. Sabay silang pumasok o!" Pagbibiro samin ni Athina.

Nagtilian naman yung mga kaklase namin pagpasok namin ng classroom. Nakangiti din samin si Mrs. Santos.

Nag ring na yung bell at nagsimula na yung klase.

"May puppet show contest sa Friday. Mahahati yung klase natin sa dalawa. I assign Ms. Emika Santiago and Mr. Josef Reyes to be the leader of each two groups." Pagpapaliwang samin ni Mrs. Santos.

Nagkatinginan naman kami ni Josef.

Sana wala nang competition sa pagitan naming dalawa. Sana mangyari yung pinag usapan namin na ititigil na namin tong kahibangan na to. Sana.

His DadWhere stories live. Discover now