Chapter 8

632 14 1
                                    

Friday. Performance na for puppet play contest. Kay melanie na namin binilin lahat ng props. Yung iba kasing members, makakalimutin. Hahaha. At isa na ako don.

As usual, sinundo ako ni Josef. Ngayon di kami naglalakad, naka-angkas ako sa bike niya.

"Mika, Pupunta na ko sa groupmates ko ha." Paalam niya sakin at tumango naman ako.

"Hey guys! Galingan niyo ha. Kung ano mang mangyari dito sa performance natin na to, Okay lang. Atleast, ginawa natin yung best natin." Pag-eencourage ko sa mgagroupmates ko.

"Emika, wala na yung competition sainyo ni Josef?" Tanong sakin ni Chrissa.

Umiling lang ako at ngumiti sakanya at nakinig na sa sinasabi ni Mrs. Santos.

"Pumunta na kayo ng gymnasium. Dun kayo magpeperform." Nagsipuntahan naman na kaming lahat sa gym.

Pang-apat na magpeperform sila Josef, at kami yung last, sunod lang kami kala Josef.

Nagperform na yung tatlong grupo mula sa kabilang section at ngayon naman, sila Josef na ang magpeperform.

Tungkol kay Rapunzel yung performance nila. Napakagaling ng group nila, ang daming pasabog kaya kuhang kuha nila yung audience impact.

Natapos na sila at kami naman, kinakabhan ako para sa performance na to.

5 minutes after, natapos na yung performance namin. Habang sinisinop nang mga classmates ko yung props namin, bumaba ako at lumapit kay Josef.

"Kinabhan ako." Bulong ko sakanya.

"Congratulations!" Sigaw naman niya.

"Huh?"

"Napakagaling. Ang ganda ng performance niyo Mika!" Pagpuri niya sa performance namin.

"Sus. Thank you. Magaling din naman kayo e. Ang ganda ng performance niyo."

15 minutes pa bago malaman yung results. Kaya kasabay ko si Josef na pumunta ng canteen at kumain.

Nakalipas na yung 15 minutes at bumalik na kami sa Gym.

Iniaanounce na yung mga nanalo.

"3rd place is...." Sabi nung emcee.

Ibat ibang number ang sinisigaw nang mga estyudyante.

"Group 2!" Tuloy niya. Nagsihiyawan naman yung mga members nung group na yun.

"And the 2nd place is..."

"Group 5!" Group namin yan. Si melanie na yung pinaakyat ko. Ako nga yung leader, pero mas nag bigay naman siya ng effort.

Okay lang sakin yan. Natutuwa pa nga ako e. Hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw kong nagpapatalo.

"And the champion for this puppet play contest is..."

"Group 4!" Sigaw ko. Yun yung group nila Josef.

Nakatingin lang siya sakin.

"Is group 4!" Tumalon si Josef at yinakap ako. Nagulat naman ako sa biglang pagyakap niya.

"Congratulations!" Bati ko sakanya ng walang insecurities. Yinakap ko naman siya pabalik

His DadWhere stories live. Discover now