Chapter 13

600 15 2
                                    

Bago magsimula si Josef nang kanyang valedictory speech. Aawardan muna kaming dalawa as the valedictorian at salutatorian for this school year.

"The salutatorian for this year 2013-2014 is Emika Santiago!" Nauna na akong umakyat sa stage.

Nagulat ko nang makita ko si Tito Jaden na nasa tabi ko at magsasabit sakin.

"Mika, hindi mo man natupad yung promise mo na magiging class valedictorian. Pwes ako tutuparin ko yung sinabi kong ako ang magsasabit sayo." Sinabit na niya sakin yung medal. Natatandaan pa pala niya yung promise na yun. Sobra naman akong natuwa.

"Sobra akong natutuwa sayo Mika, binigay mo lahat ng effort para matupad yung promise mo, sobrang na-appreciate ko yun anak" Yinakap niya ako at hinatid sa tabi ni mama.

Nang tinawag na yung pangalan ni Josef, si mama naman yung nagsabit sakanya. Ano yun? Palitan anak lang? Hahaha.

Nasabitan na kaming dalawa ni Josef.

Ngayon, magsasalita na siya para sa valedictory address.

"Good afternoon po! Katulad nang kay Mika, akala niyo siguro kumpleto yung pamilya ko, hindi po. Tanging si lola lang ang naging mama ko noong nasa New york si Papa. Siya ang nagtuturo ng lahat sakin, nagaalaga, lahat!" Ngayon ko lang nalaman, hindi rin pala kumpleto yung pamilya ni Josef.

"Since first year naging competition na sa amin ni Mika ang pagiging top 1, sa lahat nagtatalo kami, nagpapataasan. Pero last month, narealize naming pareho na mali yung ginagawa namin. Para lang kaming mga bata, Nagkaayos kami sa pamamagitan ni Mrs. Santos. Mam! Salamat po! Eto lang yung natutunan ko, hindi importante ang grades, rank, basta ang importante nakakagawa ka ng mabuti at natututo."

"Papa, maraming salamat. Salamat sa pagpapakasakit mo sa ibang bansa para sa akin. Pa, I'm so blessed na ikaw ang papa ko. I'm so proud of you! Mahal na mahal po kita!"

"Sainyong lahat, classmates, teachers, maraming marami pong salamat. Mamimiss ko kayong lahat!"

Natapos na yung valedictory speech niya at nagsimula na kaming kumanta ng graduation song. Nilapitan ako ni Josef, "Mika, salamat sa lahat!" Nakaakbay siya sakin hanggang matapos yung kanta.

Ngayon, graduate na kami. Napakarami kong natutunan. Laking pasasalamat ko kay Josef. Kahit sa sobrang konting panahon lamang, natutunan kong maging masaya.

His DadWhere stories live. Discover now