Chapter 10

603 17 1
                                    

February 12. Deliberation. Kinakabhan ako sa mga mangyayari nitong araw.

"Ma, tara na?" Yaya ko kay mama na pumasok na ng office.

"Okay ka lang ba anak?" Tanong sakin ni Mama.

"Yes ma." Sagot ko.

Pumasok na kami at umupo sa bandang gitna.

"Isa nalang po ang ating hinihintay. Sila Mr. Reyes nalang." Sabi ni Mrs. Santos.

"O ayan na pala sila e. So, Let's start." Tumingin naman agad ako sa pinto.

Si Si-Sir Jaaaadeeeeeen?!

"Good Morning po." Bati niya.

"Mrs. Santiago? Ikaw na po ba yan?" Umupo sila sa tabi namin ni Mama.

"Yes Mr. Reyes." Sagot naman ni mama.

"O, ito na ba si Mika? Kay gandang bata ah." Humarap siya sa akin at ginusot yung buhok ko. Parang ganun sa dati niyang ginagawa.

"O-o-opo" Halata yung nginig sa pagsasalita ko.

Nagsimula na yung deliberation. Hindi ako makapag focus sa mga pinapaliwanag. Hindi parin kasi ako makapaniwala na si Sir Jaden yung katabi ko at siya yung tatay ni Josef.

Nilabas na yung mga sheets na naglalaman ng mga grades namin.

After ipaliwanag, nilabas na yung ranking namin.

"Congatulations anak. I'm so proud of you!" At yinakap ako ni mama.

"Ma, okay lang ba?" Nangingilid yung mga luha ko.

"Oo naman anak. Hindi man ikaw yung valedictorian. Proud na proud pa rin ako dahil salutatorian yung prinsesa ko. Sobrang thankful ako kasi ikaw yung anak ko." Pinahidan ni mama yung mga luhang umaagos sa mga mata ko.

"Mika." Tumingin ako sa likudan ko. Si Josef.

Agad ko siyang yinakap ng mahigpit. "Congratulations Josef."

"Mika, Tahan na." Pinahidan rin niya yung mga luha ko.

Umalis na si Mama. Hindi ko akalaing ganun siya ka-proud sa akin. Wala man akong papa, sobrang proud naman ako dahil meron akong sobrang bait na mama.

Pag balik ko nang classroom, Yinakap ako ng lahat ng mga kaklase ko. Nakakatuwa. Hindi man ako yung valedictorian, marami namang nagmamahal sakin.

Palabas na sana ako ng gate ng school nang makasalubong ko sila Josef at Sir Jaden.

"Mika, Kain tayo sa Rosenda's." Akit sakin ni Sir Jaden.

"Wag ka nang tumanggi." Hinatak naman ako ni Josef papunta sa kotse nila.

"Oo na nga." Sagot ko wearing my smile. Wala na yung tears buhat nung deliberation kanina.

His DadOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz