Chapter 4

854 18 0
                                    

"Josef, Pano to?" Tanong ko sakanya nang may halong pag-aalala.

"Diba matalino ka, gamitin mo." Parang wala lang siyang pakialam na naka-lock kami ngayon dito sa stock room.

"Cellphone? May dala ka?" Tanong ko sakanya. Kasi kung parehas kaming iinit ang ulo, wala nang mangyayari samin dito.

"Oo. Eto." Inabot niya sakin yung cellphone niya.

"Ay. Shiz. Walang signal!" Sigaw ko. As if namang may makakarinig. Kulob tong stock room.

"Calm down. Wala tayong ibang magagawa kundi maghintay ng 5pm. Kapag bumalik yung utility dito." Mahinahon niyang sabi.

Tiningnan ko yung relo ko, 10am palang. 7 hours ko pa siya makakasama dito? Hay nako.

Umupo nalang uli ako sa may sofa at mukha akong tanga na nakatingin lang sa kisame.

"Bakit mo ko kinokompetensya sa lahat ng bagay?" Nagulat naman ako sa biglang tanong ni Josef.

"Gusto mo malaman yung totoo?" Tumango lamang siya.

"May naging tutor kasi ako nung 4 years old pa lamang ako. Gustong gusto ko siya, parang tatay ko na rin siya. Until now, hindi ko parin siya nakakalimutan. Nagpromise ako sakanya na magiging class valedictorian ako pag dating ko nang highschool. Siya yung inspiration ko sa pagaaral." Kwento ko sakanya. Di ko nga alam kung bakit nagoopen ako sa taong to.

"Ako, kailangan kong maging class valedictorian dahil pangako sakin ni papa, uuwi siya galing New York kapag naging valedictorian ako." Ito siguro yung way niya para hindi kami masyadong antukin parehas.

Di ko rin lubos akalain na magoopen siya sakin.

"E pano kung hindi?" Tanong ko sakanya.

"Ewan ko. Hindi ko sigurado kung uuwi siya. Depende kung matitiis niya yung graduation ko" Sagot niya nang may pagaalinlangan.

Tiningnan ko yung oras. 2pm na. 3 hours pa. Marami pa kaming napagkwentuhan ni Josef. Tungkol sa mga classmate namin, sa mga teacher, sa school.

Inantok na ko. Sabi ko kay Josef na gisingin nalang ako kapag 5pm na.

Hindi porket naguusap kami ngayon, hindi na siya yung rival ko. Siya parin yun, siya parin yung kaaway ko bawat araw at hindi na nagbabago yun.

His DadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora