Chapter 5

793 18 1
                                    

"Mika! Gising na. Bukas na yung pinto!" Bumangon na ko. Pagmulat ko, si Josef at si Mrs. Santos ang nakita ko.

"Good morning Emika!" Pagbibiro sakin ni Mrs. Santos.

"Mam, nalock kasi yung pinto." Sagot ko sakanya.

"Hahahaha! Ms. Santiago, Mr. Reyes, Usap tayo sa office." I think may kagagawan dito si Mrs. Santos.

Nagkatinginan naman kami ni Josef at naglakad na.

"Nagusap kami ni Ms. Angeles na gawin to sainyo."

"Whaaaaaaaaat?!" Sabay na sigaw namin ni Josef.

"I hope nagwork." Matawa-tawang sagot ni Mrs. Santos.

"Mam, pero marami kaming class na hindi napasukan" Reklamo ni Josef.

"After nung class kay Ms. Angeles, pinauwi na lahat ng estyudyante, nagpatawag ng faculty meeting." Pagpapaliwanag ni Mrs. Santos.

"But mam, bakit niyo po to ginawa samin?" Tanong ko.

"Ano ba kayo. Simula First year highschool nagaaway kayo. Graduating na kayo oh. Oras na siguro para kalimutan niyo yung competetion. I-enjoy niyo naman yang highschool life niyo"

"Mam, nagwork po yung plano niyo. Okay na kami." Sagot ni Josef para matapos na tong paguusap nato.

Lumabas na ng pinto si Josef at sumunod ako.

"Emika?" Tawag niya sa pangalan ko at humarap sa akin.

"Hm?" Napayuko lamang ako.

"Tama si Mam. Tigilan na natin to. Para tayong mga bata e. So, friends?" Inabot niya sakin yung kamay niya.

"Friends." Sagot ko at kinuha yung kamay niya.

"P-pe-pero pano yung kagustuhan mong maging valedictorian?" Tanong ko sakanya.

"Wala na yun. Di rin naman ako mahal ni Daddy. Kaya ko lang naman to ginagawa para maalin niya e." Nangingilid na yung luha niya.

"Hindi Josef. Kahit anong sabihin mo mahal ka ng daddy mo. Kahit hindi ko siya kilala. Alam kong mahal ka nun. Okay lang naman talaga saking maging salutatorian e. Napaisip nga ako, hindi reasonable yung promise ko sa isang taong hindi na siguro ako kilala ngayon." Lumapit ako sakanya at pinunasan yung luha niya.

Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa pero nakaramdam ako ng awa mula sa mga mata niya.

"S-sa-salamat" Sabi niya. Kinuha niya yung mga dala kong libro.

"Ba-bakit?" Tanong ko sakanya.

"Ihahatid kitang umuwi. Alam ko kung saan yung bahay niyo." Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit alam niya yung bahay ko?

"Bakit alam mo yung bahay ko?" Tanong ko.

"Di mo siguro alam. 2 houses away lang yung bahay mo sa bahay ko. Hahaha" Naglakad na kami papuntang Blk2, Subdivision na tinitirahan namin pareho.

Nakarating na kami sa harap ng bahay. Binigay na niya sakin yung books ko.

"Salamat."

"Uy. Wala na tayong away bukas ha!" Nakangiti niyang sabi sakin.

"Oo. Salamat." Ngumiti ako pabalik at pumasok na ng kwarto.

His DadWhere stories live. Discover now