Chapter 14

643 17 1
                                    

March 4. Nagyaya sila Tito Josef ng dinner pagkatapos kagabi nang graduation.

Papunta na kami ngayon sa isang restaurant. Kasama ko si mama.

"Anak." Nagaalangan pa si mama na pumasok kaya hinatak ko siya papunta sa table na kinaroroonan nila Tito Jaden

Umorder muna kami nang pagkain bago magsalita si Tito Jaden.

"Josef, Mika." Sabay naman kaming tumingin kay Tito Jaden. Nakayuko lang si mama.

"May sasabihin kami sainyo. Kaya ako nagpatawag ng Dinner." Ano naman kaya yung sasabihin nila?

"Mika, Josef..." Mukhang kinakabhan si tito.

"Ano ho ba yun dad?" Tanong sakanya ni Josef.

"Mika. A-a-ako ang daddy m-o. Sef. Mommy mo ang mama ni Mika. Ma-gk-apat-id kayo."  Nabigla ako sa nalaman ko. At halatang nabigla din si Josef.

"Nagkahiwalay kami ng Mama niyo. Kinuha ko si Josef, at kinuha niya ikaw Mika." Dagdag pa niya.

"Pasensya na kung hindi namin kayo nabigyan ng buong pamilya" Sabi samin ni mama na kanina pa nakayuko.

Kahit isa samin ni Josef walang nagsasalita.

Tumutulo na yung luha ni Mama.

Nang makarating na yung pagkain sa table namin. Agad kong hinatak si Josef palabas.

Bakas sa mga mata niya ang pagkagulat sa mga nalaman. Ako? Di ko alam kung matutuwa ako o kung magagalit. Yung tao palang matagal kong hinihintay ay papa ko. At si Josef? Kapatid ko.

His DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon