Part 4: Bestfriend

1.9K 41 0
                                    

Pasukan na naman parang kailan lang bakasyon pa lang pero okay na rin iyon dahil bored lang ako sa bahay buong bakasyon. Hays.

Buti pa itong butihin kong kapatid (pero inis ako dyan sa kakulitan nya) eh nakapagbakasyon grande sa mga pinsan namin. Ayoko sumama dahil hindi ko sila gaanong kasundo dahil halos mga babae sila.

I'm not a woman hater ayoko lang sa mga babaeng napaka childish paang kapatid ko lang. Sawa na ako sana kung mga lalaki ang mga pinsan namin eh baka makasundo ko pa sila huwag lang mayayabang.

Naalala ko na naman tuloy iyong mayabang na mokong na lalaking nakaaway ko sa talyer. Malilintikan na talaga sakin iyon kapag nakita ko pa ulit iyon.

Ayaw ko kasi talaga sa mga mayayabang parang tanga lang eh noh mayabang din ako pero ayaw ko sa mga mayayabang hays.

"Kuya goodluck sa first day mo sa college akalain mo iyon makakapag college ka ngayon? Hindi ko talaga inaakala iyon."

"Kung mangbubwiset ka sakin ngayon kaaga aga eh mauna ka ng lumayas at pumasok ka na."

"Ang bait mo talaga kuya sa kabaitan mo sana mabulunan ka sa kinakain mo. Byeee..."

Lintik na iyan pagkalabas ng pasaway kong kapatid eh nabulunan nga ako sa pancit canton na kinakain ko. Humingi ako ng inumin kay ate Sonya.

Kung hindi ko lang talaga kapatid iyon nakatikim na sakin iyon eh.

Pagkatapos ko kumain medyo naexcite naman na ako sa first day dahil new encounters of friends na naman. At sa wakas makakalabas na ulit ako ng hindi nakakulong sa bahay ng buong araw.

Pinark ko ang kotse ko. Ang yayaman ata ng mga estudyante dito ah dahil ang daming mga kotseng nakapark dito mukhang mamahalin pa.

"Hey bro anong room mo? Hinahanap ko din kasi room ko eh."

Nilapitan ako ng isang lalaki na naka nerd glass pa. Uso pa rin ang ganitong style hah.

Tinignan nya ang hawak kong class schedule ko at ikinumpara nya ang sakanya.

"Akalain mo iyon eh pareho pa pala tayo. May kakilala na ako."

Hindi naman sya FC noh? Feeling close ang loko pero I accept naman hindi naman ako choosy sa kaibigan huwag lang mayabang.

"Tara pasok na tayo at baka malate tayo first day pa naman."

Pumasok na kami sa room. Ang dami din namin siguro hahatiin pa kami by sections.

Umupo kami sa dulong upuan dahil okupado na ang mga upuan sa harap at sa likod na lang ang may ilan pang bakante.

Padami din ng padami ang mga kaklase naming pumapasok sa room. Hanggang sa pumasok ang dalawang professor sa room namin.

Hinati sa dalawang section ang buong klase namin. Siguro mga nasa 200+ kaming lahat at hinati iyon.

Nang maayos ang klase ay pinaupo na kami sa dapat naming mga pwestong upuan na prof ang nag ayos.

Sana wala na lang ako katabi sa upuan ko ngayon o kaya naman kahit si nerdy boy na ang makatabi ko wala pa kasi akong kilala sa kanila.

"Mr. Francisco you sit beside of Mr. Sandiego na lang."

Malas naman may katabi pa ako. Well sana makasundo ko sya dahil mahirap magka seatmate ng hindi ko makakasundo dahil kung hindi magpapalipat talaga ako ng upuan.

Likod pa lang eh halatang ang tangkad nitong makakatabi ko. Kapre ba ito?

Hindi ko na lang sya pinansin at hinanap ko kung saan nakaupo si nerdy boy. Tumingin din sya sakin at kinawayan ako. Ngumiti na lang din ako sa kanya hindi naman pala ganun kalayo ang upuan nya sa upuan ko.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon