Nathia Francez POV
Si kuya na ata ang pinaka harsh at pinaka cold hearted guy na nakilala ko. Nung una pareho sila ng discription ko kay TanTan oppa but atleast TanTan oppa is honest to his feelings. Hindi sya mapride na tao hindi tulad ng brother ko. Sya iyong taong gagawin ang lahat para sa gusto nya na makabubuti para sa kanya.
Ang saya tuloy nila tignan ngayon balik sa pagka aso't pusa. Naniniwala ako na maibabalik muli ang brotherhood friendship nila kahit napaka harsh parin ni kuya kay TanTan oppa. Kahit papaano nagkapatawaran na sila.
"Hey how are you there big brother?"
"Wala kang pasok?"
"Its sunday hello isang linggo ka palang sa bahay ng bestfriend mo naalog na utak mo."
Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko mapigilang matawa sa mga inaaksyon ni kuya ang bilis nya magka memory lost daig nya pa si TanTan oppa na nacomatose pa from accident hahaha.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?"
"How is your patient? Magaling na ba si kuya Tan o baka naman inaaway mo sya lagi?"
"Kailan ka pa naging guardian or nurse ng mokong na iyon hah?"
"Concern sister in law here."
"What?!"
"I mean his sister. Brother ko din sya diba."
Isang kahindik hindik na tingin ang binigay sakin ni kuya. Hindi ko na sya tinignan mahirap na baka masira lang ang ganda na pinunta ko dito para kay TanTan oppa.
Kumatok ako sa room ni TanTan oppa at pinapasok nya naman ako. Nakabandage parin ang ulo nya at nakahiga lang sya sa kama nito.
"There's any improvement TanTan oppa?"
"Improvement?"
"Kay kuya kala ko ba kaya mo sya pinapapunta dito para malaman mo ang totoo?"
"He still cold at me. Ako din syempre."
"Eh? Ano ba kasi iyong totoo na iyan?"
Tumingin sya sa may pinto na parang iniinspect nya pa kung may tao doon. Ganun ba kaconfidential iyang intriga nya kay big brother? Pasuspense pa itong si TanTan oppa eh.
"Okay lang naman kung..."
"Kung ano..."
Binibitin nya ako. Hindi ko alam kung may sasabihin sya o nagkakabisado lang sya na hindi nya makabisado kabisado ang sasabihin.
"Okay lang kung ano ba iyon?"
Sininyesan nya ako na lumapit konti sakanya. Aba ayaw talaga ilantad ang pasuspense nyang intriga sa buhay nya.
"Omo! So totoo na talaga?"
Tinanguan nya lang ako at isang ngiti na may itim na binabalak ang bumakas sa mukha nya. Grabe daig pa ang mala Grim Reaper na may balak sumundo ng isang patay na kaluluwa lang ang scene. Pero hindi naman sa ganun kabigla bigla lang ang nalaman ko at the same time natutuwa ako. Hahaha. Well ganun talaga ang nagagawa ng love masaya naman ako sa kanila pero sana ako din. Huhuhu.
Ilang linggo na din absent si kuya nag aalala nga ako sa kanya dahil baka hindi sya maka cope up sa lessons nila well matalino naman si kuya kaya nya yun kaso baka maexpell sya sa absences nya sa university. Takot nya lang kay dad.
"Oh papasok ka na kuya?"
"Magsisimba siguro ako."
Coldness overload. Mas naging paranoid ata itong si kuya ngayon eh laging wala sa mood pag nandito sa bahay kapag nandun naman sya kay TanTan oppa wala lang din ang mood nya paiba iba daig pa ako ni kuya na may menstration eh.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...