Part 38: Pretending Boyfriends

663 16 0
                                    

Pagsapit ng gabi sabay sabay kaming nagkainan. Medyo tahimik pa dahil walang unang gusto mag open ng first topic kahit ang mama ni Tan. Ang lola naman nya parang kinikilatis na kami sa mga tingin pa lang parang hindi na namin kailangang magpakilala sa kanya dahil alam nya na.

"Sino ba sila apo?"

Nagsalita ang lola niya at napatingin naman sya samin dalawa ni Nate na katapat nya sa mesa.

"Lola... Si Kyle at Nate po magakapatid sila."

Tumingin samin muli ang lola nya at sa huli sakin sya napatingin ng mas matagal. Kung may xray machine ang mga mata ng matandang ito eh sigurado nakita nya na rin ang loob loob ko sa lalim ng pagkakasuri ng mga tingin sakin.

"Magandang gabi po."

Nakangiti kong pagbati sa kanya sabay nabaling muli ang tingin nya kay Tan.

"Mga kaibigan mo sila? Girlfriend mo ba itong isa?"

Ang tinutukoy nya si Nate. Pansin ko namang napangiti sya kaya siniko ko sya ng pasimple.

"Ayy... Hindi po lola kuya na rin po ang tawag ko kay TanTan oppa... Este kay kuya Tan po dahil malapit naman din po sila ng kuya ko."

"Opo."

Pagsang ayon ko din sa kapatid ko. Tunango tango naman ang matanda.

"Mga kaibigan nya iyan nay. Kababata ito dati nitong si Zyruz."

Pagpapaliwanag pa din ng mama ni Tan sabay turo sakin sa matanda.

"Ahm actually... Ma lola si Kyle po ay boyfriend ko."

Nakita ko ang mga pagkagulat na reaksyon nila. Napainom ng tubig ang mama ni Tan dahil sa nabulunan ng sumubo ito ng pagkain pero bigla din nya iyon nailuwa. Ang lola naman nya ay biglang nanlaki ang mga mata pero bumalik din naman sya sa normal parin.

"Anak anong sinabi mo?"

"Boyfriend ko po si Kyle..."

Lumipat ang tingin sakin ng mama nya. Bigla akong nakaramdam ng kaba jusko.

"Totoo ba iyon?"

"Ahm... O-opo..."

Alanganin kong sagit na mautal utal pa dahil sa pangingilabot ko. Kinakabahan din ako kaya hindi ko halos makapagsalita ng maayos.

"Eh kung ganun nagawa mo na ang unang sinabi sayo ng lolo mo noon."

Napatingin ako sa lola nya. Mukhang alam na alam nga nito ang mga sinabi ni Tan tungkol sa inihabilin sa kanya ng lolo nya bago ito mamatay.

"O sya alam mo na ba kung ano ang inihabilin nya sayo?"

"Iyong iba lola pero iyong iba hindi pa."

"Eh matutuklasan nyo din iyan ng boyfriend mo."

"Paano po lola?"

"Sandali nga muna paanong kayong dalawa eh magka relasyon? Sandali sino ang bakla sa inyo?"

Napatingin ako ng alanganin kay Tan. Jusko hindi ko alam masasabi ko kaya hangga't maaari ayoko magsalita.

"Ahm tita wala naman po babae sa kanilang dalawa eh. Sa panahon po ngayon marami na po ang mga gwapong machong macho tulad nila na kahit hindi kilos babae ang isa sa kanila basta mahal nila ang isa't isa eh malalaman mong magkarelasyon pa rin sila."

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon