Dahil din sa tulong ni kuya guard ay umalis na ng school ang mag inang si Hydee at ang mommy nya. Nakahinga na din ako ng maluwag dahil sinabihan din ni kuya guard na wala akong kinalaman sa mga pictures na kumalat sa facebook ngayon. Ang daming palusot na ginawa ni kuya guard at super thankful ako.
"Uuwi na ako."
Saka ako tumungo sa kotse ko. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto napatingin agad ako sa kanya.
"Aaah..."
"Hey anong nangyayari sayo?"
Napalapit tuloy ako sa kanya. Para kasi syang may iniindang sakit sa ulo nya dahil nakahawak sya doon.
"Tan okay ka lang?"
Napaupo pa sya sa sakit na iniinda nya. Ako naman hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Nataranta din ako bigla tatawagin ko si kuya guard.
"Huwag na..."
Pinigilan nya ako. Hindi ko nga alam ang gagawin ko sa kanya eh ano bang nangyari sa kanya?
"Ano bang pwede kong gawin sabihin mo?"
Pinilit nyang tumayo kaya inalalayan ko sya kahit nakahawak pa ang isa nyang kamay sa ulo nya.
Pinaupo ko muna sya sa semento hindi ko pa rin alam ang gagawin ko sa kanya.
"Anong gusto mo?"
Nakatingin sya sa bulsa nya at parang tinuturo nya doon.
"Anong meron sa bulsa mo?"
"Get my key..."
"Huh?"
Ako naman medyo napakunot ng noo. Nag aalangan ako eh tingin ko ang lalim ng bulsa ng uniform nya. Sandali ano bang naiisip ko?
Pinasok ko isa kong kamay sa bulsa nya kahit medyo naiilang ako na parang ayaw ko gawin iyon. Iba kasi naiisip ko lintik.
Nang mahawakan ng kamay ko ang susi napasigaw na naman sya kaya nastock ang kamay ko sa loob parin ng bulsa nya.
"Hoyy tumahimik ka muna hindi ko mailabas ang kamay ko."
"Faster please..."
Nailabas ko na din ang kamay ko sa bulsa nya. Lintik itong lalaking ito natataranta ako sa nangyayari sa kanya eh.
"May gamot sa upuan ko kunin mo doon..."
Agad akong nagtungo sa kotse nya at kinuha ko sa loob ang gamot nya. Naalala ko buti may baon akong tubig kanina at kinuha ko rin iyon sa kotse ko saka ako bumalik sa kanya.
Pinainom ko sya ng gamot nya. Medyo gamun pa din sya na namimilipit sa sakit ng ulo nya hanggang sa maging okay na din sya.
"Okay ka na?"
Tumango lang sya bilang tugon sakin.
"O anong tinitingin tingin mo dyan?"
"Ang bait mo ngayon."
"Tsss... Kung hindi mo lang din ako tinulungan kanina noh."
Nginisian ko lang sya sabay cross arms ko. Akala ko mamamatay na sya kanina tinaranta nya pa ako.
"Swerte ko pa rin naman at nagkita tayo ulit."
Biglang pumasok ulit sa isip ko ang mga tanong ko sa kanyang iniiwasan nya lagi.
"Bakit mo sinira ang pangako mo noong elementary tayo?"
Prangka ko muling tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...