Part 26: The Voice

697 20 0
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na tagos na tagos sa mga butas ng kahoy na bintana kahit nakasara iyon. Binuksan ko naman iyon at bumungad sakin ang isang malamig na hangin na pinanindigan agad ng mga balahibo ko.

"Lola naman ang aga aga oh. Papunta na ako sayo please hwag mo muna ako takutin."

Kumain ako ng mga dala kong cookies at fresh milk na baon ko. Pagkatapos ay inayos ko ang gamit ko at nagtungo ako sa bomba sa likod ng bahay para maligo roon.

Ang sarap muli maligo roon parang dati lang pero syempre kung noon ay wala akong saplot habang naliligo dahil bata pa ako minsan pa nga ay si lola o kaya si mama ang nagpapaligo sakin ngayon ay may shorts akong suot pero walang damit pang itaas ako naligo.

Para akong nasa camping libre lang tubig at tirahan. Pagkatapos ko naligo ay nagbihis na ako at nagtungo muna sa bayan para bumili ng bulaklak para kay lola.

Nang marating ko ang sementeryo bigla na naman akong kinilabutan habang naglalakad. Bigla ba naman humangin ng malakas at napakalamig kahit tirik naman ang araw.

"Lola naman grabe ang pag welcome nyo sakin ah."

Nang matunton ko ang puntod ay nagtirik ako ng kandila at nilapag ang bulaklak na dala ko. Ganun pa rin ang sementeryo doon mas dumami nga lang ang puntod na nakalagi doon dahil na rin sa nagdaang taon ay marami din ang namatay at inilibing dito.

Umusal ako ng munting panalangin ko kay lola at saka na rin ako umalis. Medyo hindi na naman kasi maganda ang ulap kaya umalis na din ako. Dumaan muna ako sa bayan para bumili ng pagkain pag iisipan ko muna kung magtatagal pa ako sa bahay pero mas maganda ng may mga pagkain para just in case.

Bumili na din ako ng iba ko pang kailangan mineral water dahil hindi ko maiinom doon ang kalawangin ng bomba. Pasakay na ako muli ng sasakyan ko ng bigla na nga bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi muna ako pinauwi bago man lang umulan oh. Wala akong nagawa at namalagi muna ako sa kinatatayuan ko ngayon. Nang mainip ay naglakad lakad muna ako sa palengke.

Mas maraming tao ang abala sa kanilang mga paninda. May isang ale pa ang nakaalala kung sino ako suki nya daw si lola at si mommy noon sa paninda nya.

Nang medyo humupa na ang ulan eh lumabas na ako ng palengke at nagmadaling sumakay sa sasakyan dahil baka lumakas na naman muli ang ulan.

Patakbo kong tinungo ang sasakyan ko nang may nabangga akong isang tao. Buti na lang at hindi ganun kalakas ang impak ng pagbabanggaan namin.

"Tan?!"

"Kyle?"

Inayos nya ang sarili nya bago muli nagsalita. Anong ginagawa ng mokong na ito dito?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Tanong ko din sayo iyan."

"Eh pinuntahan ko ang tita ko dito na may sakit ikaw?"

Pabalik nyang tanong sakin.

"Dinalaw ko ang puntod ng lola ko dito."

Dahil sa paguusap pa namin ayun inabutan na naman kami ng ulan napabalik tuloy ulit ako sa loob ng palengke.

Pinampag nya ang damit nya na medyo nabasa sa ulan. Kung hindi nga naman minamalas na na naman at nakita ko pa ang mokong na ito.

"Pabalik ka na ba nyan sa inyo?"

Tanong nya sakin.

"Hindi pa."

Talagang iniinsist nya makipag usap sakin hah. Ayoko nga syang makita makausap pa kaya hay bwiset nga naman na karm iyan.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon