Nathia Francez POV
Ang aga ata umalis ni kuya? Nakita ko na lang sya na sumakay sa kotse ni TanTan oppa. Napapansin ko lagi na sila magkasabay ngayon pumapasok at bihira nya na lang gamitin ang kotse nya.
Hindi ko alam kung ano na naman pumasok sa utak ng kuya ko na iyon minsan nalelate din sya ng uwi at lagi nyang dahilan ay naghohome study sila ni TanTan oppa. Pwede naman sila dito bakit hindi sila dito mag home study?
Lagi din hawak ni kuya ang phone nya tapos minsan tatawa na lang habang nakatingin doon. Minsan nga sinubukan ko hulihin si kuya nasakto na sya ang nagpresenta magluto ng kare kare mahilig iyan magluto kaya nga dapat hindi na si ate Sonya ang nagluluto samin eh kaso lang kasi tamad lang minsan ito si kuya. So iyon nga nasa kusina si kuya nun tapos iyong phone nya is nasa ibabaw ng glass table sa kusina. Nakatalikod naman sya kaya sinilip ko iyong phone nya. 5 missed calls tapos biglang nag pop ulit sa notification nya 1 new message from ZT with heart face pa na emoji yung may hearts ang mata.
Aba sino itong ZT na iyon? Sinubukan ko buksan ang phone nya pero jusko pattern lang naman ang password nya at malay ko ba sa kung anong password nun. But why not to try? Dati alam ko ang password ni kuya sa phone nya lalo na kung pattern lang naman iyon. Pa L ang unang subok ko sa pattern nya pero mali. Sinubukan ko naman ang letter C sa pattern nya pero mali. Baka naman pa V ang pattern nya?
Waaaah! Mali parin nag pop ulit sa notification nya ang another text message sa ZT na iyon. Sino ba kasi sya?
"Diba gumagawa ka ng assignment mo?"
Jeez. Napatayo ako ng diretso agad. Ang galing naman nitong si kuya makaramdam.
"Ahm... Tapos na ko kuya."
"So gusto mo gamitin phone ko?"
"Ahm... Makikitext sana ako?"
"Ah okay hindi mo pa naman nagagalaw diba?"
"H-hindi pa naman..."
Grabe para akong ewan sa itsura ko ngayon na parang pusang takot na takot mabasa ng tubig. Napapa biting nails pa ako sa kaba lalo na kay kuya pa man din. Kinuha nya ang phone nya.
"Sure ka hindi mo pa ito nagagalaw?"
Umiling lang ako kay kuya. Tama ba palusot ko para makita ko na rin ang text ng ZT na iyon sa kanya at para malaman ko kung sya ba ang dahilan ng laging hawak ni kuya ang phone nya at hindi nya mahiwalay man lang sa kanya iyon kahit ilang minuto lang.
"Eh ano ito?"
Person try to unlocked your phone. Pagkabasa ko nun lintik yari ako.
"Ahm wala pa naman ako nababasa kuya."
"Galing mo ano?"
"Maaga pa pasok ko bukas kuya matutulog na ako ng maaga. Goodnight."
"Hep hep hep hindi pa nagdidinner ah."
Paatras nya ako hinila pabalik. Naku naman oh.
"Ahm mamaya nalang ako kakain kuya."
Napahiga agad ako sa kama ko pagdating ko sa kwarto. Takot ko lang sa mala sea monster kong kapatid kaloka hindi ko inaasahan na mahuhuli ako kanina ni kuya.
May bago na naman siguro nagpapasaya kay kuya. Kung sino man sya swerte nya dahil kapag nagmahal pa man din iyan si kuya lahat binibigay nya kahit mukha na syang tanga. Tulad nung kay ate Hydee si kuya na ang alam kong pinakatanga nun dahil alam na nga nyang niloloko na sya pinapabayaan nya lang. Kaya inis ako doon sa babaeng iyon noon eh kung hindi lang dito kay kuya pinasabugan ko na ang mala espasol nyang mukha na hindi naman pantay ang kulay sa leeg at mukha nya. Ewan ko kay kuya kung anong nagustuhan nya dun. Duh!
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...