Part 65: Love and Care

550 15 0
                                    

*Play the video above. Para mas mafeel ang kilig habang nagbabasa*♡


Zyruz Thunder POV

Isang malalaking hakbang ang pinakawalan ko sa aking mga binti habang papunta sa kalsada na kung saan isang malakas na busina ang umalingawngaw. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng lalaking iyon para hayaan ang sarili nyang masagasaan na lang ng mga sasakyang dumadaan sa kalsada.

Ang pwersa ko ay sakto sa pagbagsak ng ulo nya. Inilahad ko ng diretso ang isang kamay ko parang maging suporta sa ulo nya upang hindi iyon tuluyan bumagsak sa sementadong kalsada. Napaungol pa ako ng bahagya sa impact ng pagbagsak ng ulo nya sa balikat ko. Medyo ramdam ko ang bigat nun pero hindi ko na iyon ininda ang importante ay tagumpay kong nasuportahan ang ulo nya.

Mabilis na umalis ang kotse at naiwan kami sa kalsada na ang lalaking ito ay wala ng malay. Wala ng mga sasakyang dumadaan kaya hinayaan ko munang makita ang mukha nya na nakasandal sa kamay ko.

Ang baliw na lalaking ito napakatanga talaga. Lasing ang amoy nya at may balak pang magpakamatay kanina. Dahan dahan ko syang itinayo pinulot ko din ang nasa kamay nya na isang teddy bear at blanket. Malamig ang simoy ng hangin at sakto ang blanket na ito para icover ko sa katawan nya. Tumukod ako ng bahagya para magbigay ng pwersa para malagay ko sya sa likod ko. Binuhat ko mula sa likod ko ng buong lakas ko. Hindi naman sya ganun kabigat pero ang mas nagpabigat ay ang makapal na blanket sa katawan nya.

Hawak ko sa likod ng kamay ko ang teddy bear habang inaalalayan ko din ang dalawang binti nya para hindi sya mahulog. Nagsimula ako humakbang kahit nang una ay hirap ako sa paghakbang dahil sa bigat at sa hawak ko pa sa likod baka mabitawan ko iyon at mawalan ako ng balanse sa pagaalalay sa kanya.

"Hard drinker. Tsk."

Usal ko habang binabaybay ko ang paglalakad na buhat ang lalaking ito sa likuran ko. Bakit ba hindi nya dala ang kotse nya. Buti na lang at inantay ko pa sya habang nagkakasayahan sya kasama ng mga kaibigan nya kahit uuwi na sana ako kanina eh.

Pagdating sa kotse ko dahan dahan ko syang ipinasok sa loob tulog na tulog ang itsura nya dahil sa kalasingan. Tsk tsk.

Hinayaan ko lang sya matulog habang minamaneho ko ang pauwi. Nang makarating sa tapat ng bahay nya sarado na ang mga ilaw ng loob. Pinag isipan ko pa kung paano ko maipapasok ang lalaking ito sa loob. Kung tatawagan ko naman ang kapatid nya maabala lang ito at mag aalala pa sa kuya nya dahil sa sobrang kalasingan nito. Magaakyat bahay na lang ako ulit maipasok ko lang sa loob ang lalaking ito.

Problema ko ay masyado syang mabigat para maiakyat ko mula sa veranda ng kwarto nya. Luckily bukas ang bintana na tabi din ng pinto ng harap. Ipinasok ko ang isang kamay ko doon para abutin ang doorknob ant nabuksan ko din iyon sa wakas. Tahimik ko binuksan ng unti unti ang gate saka ko pinasok ang lalaking iyon sa loob. Upang hindi din makagawa ng ingay ay dahan dahan ang bawat hakbang ko papasok sa loob hanggang sa maiakyat ko sya sa kwarto nya.

Binuksan ko ang ilaw ng kwarto nya. Naroon sa gilid ng kama nya ang asong iniwan ko sa kanya. Sinara ko ang pinto ng tumahol ang aso upang hindi makalikha iyon ng ingay sa labas.

"Malakas ako uminom... Lalo na pag may problema..."

Napatingin ako sa lalaking hawak ko sa balikat nya habang nakatayo. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ko na nakaharap sakin pero nakapikit pa rin sya.

"Anong problema mo?"

Naitanong ko sa kanya. Amoy na amoy ko ang alak sa bibig nya kahit ganun amoy ko pa rin ang malakas nyang pabango na lalaking lalaki. Nakangiti lang sya na nakapikit kung ano ano na ang nagiging expression ng mukha nya sa kalasingan. Hindi natural sa kanya ang ngumingiti lalo na sakin dahil ako ang kinaiinisan nya lalo na ngayon na nagawan ko pa sya ng isang kasinungalingan.

"Iyong puso ko eh... Inlababo na ata hahaha..."

Tumawa sya ng bahagya bago muli nagsalita.

"Iyon ang problema ko... Iyon mokong na iyon sinira nya lang ang tiwala ko sa kanya... G*go sya."

Naging seryoso ang mukha nya. Bigla ako nakaramdam ng guilt sa sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya. I know he didn't deserve to be hurt like this. Kasalanan ko ang lahat ayaw ko din naman sya masaktan hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo until he finally finds it out himself in the wrong timing.

"Kung kilala mo ang mokong na iyon sabihin mo sa kanya hah... G*go sya papatayin ko pa sya ng mga halik ko eh..."

Napatingin ako sa mga labi nya mapupula pa rin iyon kahit nabahiran ng maraming alak doon. Ang mga mata nya na sobrang pungay lalo na ngayon at nakapikit sya. Mamula mula ang mukha nya na dulot ng alak sa katawan nya pero napaka fresh parin kung titignan.

Lumapit ang aso sa paanan ko at doon humiga. Paano ako nito ngayon makakagalaw may aso sa paa ko at may lalaking nagdadrama na nakapatong ang mukha nito sa balikat ko?

"Aaah. Tsk."

Napasinghap ako sa ginawa ng lalaking ito. Kinagat nya lang naman ang gilid ng leeg ko. Bumaon talaga ang ngipin nya doon at pakiramdam ko ay namumula na iyon ngayon sa sakit. May pagka bampira din pala ang isang ito kapag nalalasing.

Hinawakan ko ang leeg ko at kapa ko doon ang bakat ng ngipin nya. Siguradong babakat talaga iyon sa diin ba naman ng pagkagat nya buti at wala naman akong nararamdaman na dugo. Hindi ko na lang iyon ininda at dahan dahan ko inalis ang paa ko sa pagkakadagan ng asong nasa paanan ko. Nang maialis ko iyon inihakbang ko ng dahan dahan ang mga paa ko para ihiga ang lalaking ito sa kama nya.

Ibinalot ko ang blanket nya at blanket din ng kama nya sa katawan nya. Binuksan ko din ang aircon. Binuhat ko ang aso ko sa higaan nito na nasa gilid ng kama nya. Ito ang regalo ko sa kanya ngayong araw. Kulay pink din ang higaan nya. Hindi ko alam kung gusto nya lang ang strawberry na prutas o gusto nya na din ang kulay na pink. Haha.

Bago ko sya nilisan ninakawan ko ng halik sa noo nya at hinawi ko ng maayos ang buhok nya. Inayos ko din ang blanket sa katawan nya at tahimik ako lumabas mula sa veranda at bumaba na.

"Goodnight Kyle."

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon