"Goodmorning..."
Inilapag ko ang pagkain sa mesa. Buti na lang at wala kaming pasok kapag friday. Pumasok na din sa school si Nate at nag day off si ate Sonya. Kaya ako na ang nagluto ng almusal.
Inayos ko ang mga unan sa sofa. Kinuha ko ang isang tasang kape saka ininom.
"Mmm... Ang bango naman ng luto ng mahal ko."
"Mag almusal ka na."
Naramdaman ko ang pagyakap nya mula sa likuran ko. Iinom pa sana ako muli ng kape eh. Kumalas sya sakin at kinuha nya ang tasang kape sa mesa. Nagluto ako ng bacon sandwich at noodles.
"Bakit hindi ka nag culinary ang galing mo pala magluto."
"Edi sana hindi tayo nagkita diba."
"Bukod pa doon syempre."
"Well ayoko din naman mag Engineering pero nagustuhan ko din kahit papaano dahil related din naman iyon sa talagang pangarap ko na mag seaman."
"Woah. Gusto mo mag seaman? Pag nagkataon seaman-daragat pala ang boyfriend ko ah. Pero bakit hindi iyon ang kinuha mo?"
"Sila mommy lang ang may gusto nun. Ano masarap ba?"
Tanong ko sa kanya habang sarap na sarap syang kumakain. Nakakagana makitang nasasarapan sya sa luto ko.
"Seaman na chef pa ang boyfriend ko."
"Pang chef na ba talaga iyan?"
"Oo naman kahit scrumble egg nga lang lutuin mo eh pang chef na sa sarap."
"Mayroon kasi iyang main ingredient eh."
"Pwede ko ba malaman ang main ingredient ng mahal ko?"
Lumapit sya sakin habang kumakain.
"Tender love and sweetness ang main ingredient ko sa bawat niluluto ko lalo na kung ikaw ang paglulutuan ko."
"Asus bumabanat ka na din ah."
"Ikaw lang ba pwede bumanat hah?"
"Halika nga dito pakiss ako."
Hindi na ako nakakontra pa diretso sa labi ko ang mga labi nya na nalasahan ko pa ang mayonaise sa sandwich na kinakain nya.
"Natikman mo din gawa mo diba masarap din."
"Baliw ka talaga."
"Baliw na baliw sayo."
Buong araw nandito lang kami sa bahay. Nag movie marathon, naglaro ng video games, kwentuhan harutan at asaran. Tinuruan ko din mag imbento na kung ano anong lutuin. Nakapagluto kami ng tanghalian namin adobong manok na paborito nya lalo na kapag luto ko daw.
"Tikman mo nga kung okay na lasa nito."
Tinikman ko ang sabaw medyo kulang pa sa alat kaya dinagdagan ko iyon ng soy sauce. Ilang minuto natapos din kami sa pagluluto at sabay kami kumain.
"Baby..."
"Uyy Kyle..."
"Baby..."
Hindi ko sya pinapansin ayoko lang kasi talagang tinatawag nya ako ng baby na endearment nya sakin. Kaya hindi ko sya nililingon. Patuloy lang ako sa paghuhugas ng mga plato.
"Bakit ba hindi mo ako pinapansin?"
Nasa likod ko na pala ang mokong na ito. Sobrang lapit nya sakin kaya amoy ko ang hininga nya na mabango parin.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...