Pagbalik namin ng Maynila. Naging abala ako sa paglilinis ng bahay. Inutusan din ako nila mommy na tulungan si ate Sonya. Dahil wala din naman kasama si mokong sa bahay nya ngayon ay tinulungan nya din ako.
Kinabukasan ay dumating na nga sila. Kasama pa si tita na syang maghahanda ng mga lulutuin. Masarap kasi maglito si tita at the best ang mga recipe nya sa restaurant nito.
Lumabas din kami ni tito ng gabing dumating sila. Ipinakilala ko sa kanya si Tan. Ayoko namang iwan ang lalaking ito na mag isa lalo na at parang nakakaramdaman ako ng kakaiba sa kanya lately.
Hindi ko alam kung guni guni ko lang or masyado lang ako nag aalala sa taong ito. Nung nasa byahe pa lang kami pabalik dito ng Maynila ay naka receive sya ng call mula sa papa nya na naiwan pa muna sa probinsya nila.
May mga lalaki daw na hinahanap sya at ang papa nya dito sa kamaynilaan. Tumawag din ang asawa ng papa nya na hinahanap nga sila at gusto daw silang imbitahan para sa New Years Party sa isang partnership ng kumpanya na inaasikaso ng papa nya nitong nakaraang buwan lang.
Medyo naguluhan din si mokong at nagtataka kung bakit pati sya kasali kung anout sa trabaho iyon ng papa nya. At nang makarating na kami sa bahay nya ng mga bandang hating gabi na may isang kotseng itim kami na natanaw na nasa kabilang kalsada. Nang malaman nilang palapit kami sa kinaroroonan nila ay umalis din sila kaagad.
Bigla ko naisip noon ang mga sindikatong naging dahilan ng aksidente nya. Hindi kaya marahil ay may kinalaman ang mga iyon sa nangyayari?
"Bunch kanina ka pa dyan nakatulala. Are you alright?"
Naramdaman ko ang palad ni mokong sa pisngi ko. Napaka init nun samantalang ako nakakaramdam ng lamig sa lakas ng aircon ng kwarto nya.
"What do you want?"
"All I just want is you."
"Wow. I can't believe you will now take it in a banat term ah."
"Hindi lang ikaw ang marunong bumanat."
"Errr. Seriously okay ka lang may gusto ka bang kainin? Kanina ka pa dito pero hindi ka pa kamo kumakain."
"Sinundo lang kita. Lalabas tayo nila tito kaya sa labas na lang din ako kakain."
Bago pa ako tumayo naramdaman ko muli ang dalawang kamay nya sa mukha ko. Nagkatitigan lang kami hanggang sa binigyan nya ako ng isang halik sa noo.
"Tito... Si Tan po ahm kaibigan ko."
"Goodevening po..."
Nagmano pa si mokong kay tito napaka formal naman nito eh parang magkakatropa lang kaming tatlo ngayon eh.
Bata pa din si tito bunso sya nila daddy kaya mukhang tropa lang kami pag kami magkasama.
Natawa pa si tito sa ginawa ni mokong kahit ako natawa din eh pero hinayaan ko na lang sya. Pumasok kami sa isang resto bar actually sa food court nga sana kami pupunta sa labas ng mall kaso delikado ngayon maraming mga walang asal na lasenggero doon . Minsan doon kami ni tito kapag feel namin sa labas lang kumain o mag inom.
Pumasok na kami sa loob. Ang ingay ng music sa loob at hindi pa naman ganun kadami ang customers. Umupo kami sa counter at nagorder ng maiinom. Cocktail ang kinuha ni tito at lageer naman samin ni mokong. Kumbaga pang himagas pa lang iyan ni tito ang coctail pero mamaya hard drinks na ang order nyan.
Mukhang mapapasabak na naman ako nito. Tinignan ko naman si mokong pero okay lang naman sa kanya. Nakakapunta lang talaga ako dito sa bar kapag kasama ko si tito eh.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...