"Bro tara inuman sa bahay."
Napalingon ako kay nerdy boy na nasa likod ko na pala. Tumabi sya sakin sa upuan habang inaantay ko si mokong.
"O minsan lang kita inaya kaya tara."
"May pupuntahan kasi ako eh sa susunod na lang."
"Ang daya mo naman eh ngayon lang kita inaya uminom hihindi ka pa."
"Importante lang kasi. Sorry."
Napansin ko ang pag lungkot ng itsura niya. Gusto ko naman sumama sa kanya kaso ngayon kasi namin napag usapan ni mokong na sasamahan ko sya sa papa nya.
"Kyle..."
"Hinahanap ka ni Thunder sa may parking area."
Si Brian na umupo din. Tinaasan naman ako ng isang kilay nito si nerdy boy. Kala mo napaka bigat ng pinagdadaanan eh.
"Si bestfriend pala hah. Alam mo pansin ko sa inyong dalawa kung hindi kayo magkaaway noon ngayon naman ay napaka close nyo na pero kakaiba yung closure nyong dalawa eh iyong parang..."
"Pre happy birthday pala."
Pagputol ni Brian sa sasabihin nya. Napukaw ng atensyon ni nerdy boy ang pagbati sa kanya ni Brian. Sandali birthday niya?
"Paano mo nalaman hindi naman tayo magkaklase?"
"Nakita ko lang sa facebook. Hehe."
"Friends pala tayo?"
"Ngayon ko lang din nalaman kasi nagpop sa notification ko na one of my friends have birthdays today at ikaw pala iyon."
Napansin ko ang pagtingin sakin ng makahulugan ni Brian. Ngumiti sya sakin ng pasimple. Salamat sa kanya kung ano pa ang masabi at matanong sakin nitong si nerdy boy.
"Oo nga pala brad happy birthday. May regalo ako sayo pero bukas na ano kasi nagpaorder kasi ako ng ireregalo ko sayo kaso hindi pa nabibigay eh. Happy birthday ulit ah."
Palusot ko na lang kasy nerdy boy. Hinawakan ko sya sa balikat bago tuluyang umalis. Naalala ko kaya pala sya nag aaya uminom sa kanila ay birthday pala nya. Ngumiti din ako kay Brian salamat dahil sa kanya.
Nakita ko na may kausap sa phone si mokong habang nakasandal sa labas ng kotse nya. Nilagay ko muna sa loob ng kotse ko ang bag ko saka ko sya pinuntahan.
Nang mapansin nya ako nagmadali sya ibaba ang phone nya.
"Nacontact mo na papa mo?"
"Still. Ang sabi ni kuya busy daw sa business ng asaw nya si papa."
"Kuya mo pala ang nakausap mo kanina?"
"Hindi ahm... Wala iyon kita na lang tayo sa bahay."
Nauna na sya sumakay sa kotse nya. Ang weird ngayon nitong lalaking ito. Parang may kakaibang tinatago eh pero ayaw ko naman isipin iyon siguro marami lang talaga syang iniisip tungkol sa papa nya.
Pinuntahan namin ang lugar na sinabi ng kuya nya na posibleng makita kung nasan ang papa niya.
Nasa harap kami ngayon ng isang condominium building na may taas na 15th floor. Ang yaman naman pala ng papa nya at afford pa ang isang condo unit na ganito kasosyal.
*riiing*
Bago kami pumasok sa loob sinagot muna ni mokong ang tawag sa phone nya. Napatingin pa sya sakin bago nya iyon sagutin. Gusto ko sya tanungin kung sino iyon pero baka makulitan lang sakin ang taong ito. Minsan may pagkamoody din ito kagaya ko.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...