💠Chapter 20💠

89.9K 4.1K 1.6K
                                    

Snow's POV

The celebration on winning the first stage did not end at the arena. As usual may pakain na naman ang hari sa amin. The queen was too silent while the king was cackling with happiness. Hindi ko alam kung bakit tahimik ang reyna na sa katunayan gusto din naman nitong manalo ang Elites dahil nandito ang anak niya and we represents the universe.She's really hard to figure out.

"That was a great fight!" Saad naman ng hari sa amin. Syempre natutuwa naman kami ang plastic naman namin kung sasabihin na parang wala lang sa amin yun di ba?

"Yes your highness, especially Yuan. He was so incredible holding his sword." Puri naman ni Osiris.

I just wanted to roll my eyes. Napakasipsip talaga ng babaeng ito. Pinaglihi 'ata ito sa linta. Buwiset na linta ito, kelan ba ito uuwi sa planeta nila ng matapos tapos na itong kalbaryo ko?

"Well he is really exceptional when it comes with this things. He is born to be a leader after all." Nakangiting saad naman ni King Troy na halatang proud na proud sa anak.

"Wow. Just the way I like it." Komento naman ni Osiris.

Muntikan na talagang mapataas ang isang kilay ko. At ano na naman ang ibig sabihin ng babaeng ito? Na si Yuan ang dream boy niya? Babae pa ba ang taong ito? Wala ba siyang pride? Kulang na lang ito na ang manligaw kay Yuan. Pero ang batong si Yuan mukhang wala naman pakialam at naririnig.

"But, you Snow. I did not know you were that good." Baling naman sa akin ng hari.

Nawala naman ang atensyon ko kay Osiris na kanina ko pa iniimagine na sinasakal ko. Nahiya naman ako sa komento ng hari. Hindi ako magaling. Nagkataon lang talaga na magagaling yung kasama ko. Kasi kahit gaano mo pa kalakas at kagaling kung ang kasama mo ay hindi, hindi pa rin kayo mananalo.

"It was just sheer luck your highness." Sagot ko naman dito at matipid na ngumiti.

"You are so humble my dear. I was so intrigued with your ability. I know you are a water user but seems like it acts like fire and ice." Saad nito na sa akin pa rin nakatingin.

Nabulunan naman si Luna at si Yuan naman ay lalong lumalim ang kunot sa noo. Right, walang ibang nakakaalam bukod sa kanila ang kakayahan ko at napagdesisyunan namin na wag muna itong ipaalam sa iba. It was just a good thing na blue fire ang kaya kung gawin dahil mapagkakamalan itong tubig. It doesn't flare like the usual fire. I am making it looking like water but fire.

"Uhm yeah. I can some sort of control the water in some ways like I can make it hot or freeze it into ice." Sagot ko naman rito. Totoo naman talaga yun.

"That was really wonderful. Violet's family can create water but cannot change it's nature." Saad naman nito. "Very exceptional my dear. Just like my son." Saad naman nito at tumingin ito kay Yuan and he was caught looking at me.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Osiris dahil sa harap-harapang pagpupuri ng mahal na hari sa akin. Baka iniisip nito na nagpapasipsip ako sa hari na hindi naman. Hindi naman ako katulad niya na puro tahol walang kagat.

"For me her ability is just normal. Nothing exceptional. Her ability is no match with my father's." Nakangiting saad naman ni Osiris.

Tumalim naman ang tingin ni Violet. Kung sinabi ng hari na mas magaling ang kapangyarihan ko kaysa sa pamilya nila Violet, ano na lang kina Violet? Naghahanap talaga ng gulo ang babaeng ito.

"Then why don't you make your father come here so we can test his awesome ability." Saad naman ni Violet na talagang inemphasize pa talaga ang awesome.

"He is too busy to do the leisure. You know royalties are busy." Sagot naman ni Osiris na nakangiti pa rin.

"And you are not so it means you are not royalty." Matalim naman na saad ni Violet. "You do nothing all day but to hit Snow, aren't you acting like some kind of a jealous—" Hindi na nito itinuloy dahil nagsalita na ang reyna.

"This is a celebration of success and not a court. Please respect the food." Malamig na saad nito.

Natahimik naman kaming lahat. Tama naman ito pero ito kasing si Osiris provocative masyado. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay isa na itong bangkay dahil talagang may papatay sa babaeng ito.

"You should tell that to the person who started this." Saad naman ni Yuan na nasa pagkain pa rin ang tingin. Kinuha nito ang isang mangkok na puno ng hipon at ibinigay sa akin. Nakaugalian na niya na ibigay sa akin ang mga seafood na handa at hindi rin nawawala sa hapag ang seafood. "You should stop talking nonsense Osiris. You don't have any single idea what's Snow is capable of. She is not an Elite for nothing."

Para naman binuhusan ng malamig na tubig si Osiris. For the first time ay pinagsabihan ito ni Yuan at talagang sa harap pa talaga namin. Hindi ito nakapagtimpi kaya tumayo ito at nilisan ang hapag. The queen sigh but did not react while the king grinned like he liked what happened.

"That was disrespectful son." Saad nito pero kumindat naman. So I got it, para lang may masabi ito dahil siya pa rin ang hari pero yung totoo ay gusto naman talaga ng hari na umalis yung lintang yun. "Now, we can eat in peace."

Nagpatuloy kami sa pagkain at naging masaya na rin ang environment maliban sa reyna na napakatahimik pero hindi naman nakasimangot.

•••

Agad akong pumunta sa kuwarto pagkatapos ng kainan. Dito ko iniwan si Silvan kasama si Glendel. Hindi kasi pwedeng isama ito sa tournament dahil baka tumakbo lang ito papunta at makisali. Alam mo naman ang mga tuta, pagnakita ang amo lalapit at lalapit at walang pakialam kung ano pa ang lugar at sitwasyon.

Binuksan ko ang pintuan at agad akong sinalubong ni Silvan while rubbing on my leg kaya kinarga ko naman ito. He smells good, mukhang bagong paligo ito ni Glendel. Natuwa naman ako dahil mabago ang aking white wolf.

"Welcome back Miss Snow." Saad nito at nagbow pa.

"Thank you for taking care of him." Saad ko naman rito at tsaka inilapag ko na ulit si Silvan sa sahig para magpatuloy na ito sa paglalaro ng kung ano man ang nilalaro nito.

"It's an honor to take care with great white wolf." Saad naman nito na talagang may galak pa sa mga mata nito. "I've heard you won Miss." Nakangiting saad nito sa akin.

"Yes." Sagot ko rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo kami sa first stage. 50/50 chance kasi yun but I did my best of course.

May kumatok naman sa pinto. Lalakad na sana si Glendel pero pinigilan ko na ito. Ako na lang ang magbubukas. Binuksan ko ang pinto at nagulat na lang ako kung sino ang napagbuksan ko.

"I''m sorry to disturb you but may I talk to you?" Saad nito with all cold eyes and stoic face.

I was standing like an idiot dahil hindi pa ako makahuma. She hates me and why she is standing before me?

"Your highness, come in." Tanging saad ko na lang ng makabawi. "Glendel, please wait outside." Utos ko rito.

Agad naman na tumalima si Glendel at lumabas kaagad sa kuwarto ng walang lingon likod.

The queen walked regally as I stand like a small piece of paper. Hindi ko alam ang kailangan nito kung bakit kakausapin ako nito. Is it because sa nangyari sa hapag kanina? Or something else? Baka naman iinsultuhin na naman ako nito ng kung anu-ano.

"I want to ask you something." Saad nito and my heart jump out in my throat.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon