Brokenhearted 8

209 6 0
                                    




Dear Ex,








Nakalimutan kong gumising ng maaga kanina. Hindi ko narinig ang tunog ng alarm clock ko. Tawag mo kasi ang nakasanayan ko bilang alarm clock ko. Yan tuloy, nalate ako kanina sa simbang gabi. Lamig na lamig pa nga ako kasi di ako nakapagdala ng jacket dahil sa pagmamadali ko. Dati rati kasi, paglabas na paglabas ko pa lang ng gate namin, ibibigay mo na agad sa akin ang jacket na suot mo.








Hay, nahihirapan na ko.





Alam mo ba, nawalan ng kuryente kanina sa simbahan pero bumalik din naman pagkalipas ng limang minuto.








Mabuti pa ang kuryente, bumabalik... Eh ikaw? Kelan ka kaya babalik?





Miss na miss na kita.





💔

A Letter to My Ex (KathNiel)Where stories live. Discover now