Special Chapter

387 9 2
                                    




DJ's POV





"Kuya, dapat kasi talaga sinabi mo na lang sa kanya. Maiintindihan nya ang sitwasyon mo dahil mahal ka nya." Hindi ko na matandaan kung pang ilang beses ko ng narinig ang mga pangaral na yan mula sa aking kapatid.



Alam ko. Naiintindihan ko ang sinasabi nya but I wasn't brave enough to tell her the situation that I am into. "Masasaktan ko lang sya." Nag iwas ako ng tingin sa kapatid ko.




"Sa tingin mo kuya, hindi sya nasaktan sa ginawa mong pag-iwan sa kanya? Kuya, mahal ka ng tao, mahal na mahal ka ni Ate Chandria. Can't you feel it?" Iritableng sagot ng kapatid ko. "You're being unfair kuya."





"Magui stop it. You're making him more stressed with what you're doing." Saway ni Mama.





"Mama, Kuya needs to learn his lesson." Humalukipkip sya habang seryosong nakikipagsukatan ng tingin sa akin.





"He already learned his lesson Magui. Don't be a brat. Kailangan ng magpahinga ng Kuya mo. You should go home now." My mom is always patient. Alam kong nanghihinayang din sya sa naging relasyon namin ni Chandria but she respected my decision.





"Fine." Padabog na umalis si Magui. Alam ko ang kanyang pinanggagalingan. Masyado ng napamahal sa kanya si Chandria kaya ganun na lamang syang magdamdam dahil nawalang parang bula ang kanyang tinuturing na Ate. Sa lahat ng naging girlfriend ko, si Chandria lang ang nakasundo nya.








"DJ..." Nag-aalangang tawag sa akin ni Mama. Alam kong nahihirapan na rin sya. I didn't hear any negative words from her when I told her that I accepted the Doctor's request na magpagamot dito sa States. Leukemia, Stage 3.





Ang sakit na yan ang kumuha sa akin kay Chandria. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong nagdesisyon na lumipad patungong Amerika without telling her a thing.



"Ma, sundan mo na po si Magui. Nagtatampo na naman yun, baka kung saan pa yun magpunta. You should rest too, Ma." I smiled at my mom.





"Pero anak, you need me here."



"Mama naman, ang laki laki ko na o. Kaya ko po ang sarili ko." I joked.




"You sure anak?"






"Yes ma, sige na po. Sundan mo na si Magui baka kung ano pa ang mangyari sa kanya." Tumayo si Mommy mula sa kinauupuan nya at isinuot ang coat sa tabi nya. Lumapit sya sa akin and kissed me on my forehead. I shut my eyes. "I love you anak." "I love you too, Ma." Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. Binuksan ko ang mga mata ko. I roamed my eyes around the room. Two months na rin akong naka-confine dito sa ospital at walang oras na lumipas na hindi ko naisip at naalala si Chandria.






Chandria is everything to me. Chandria is one special girl who eventually became my world. And seeing her become miserable just because of this illness na wala naman syang kinalaman would kill me.






Alam kong masasaktan ko sya because of my decision. Aware ako na magagalit sya o baka nga kamuhian nya pa ako. Pero mas mabuti na yun kesa naman magdusa sya dahil sa sakit ko. She need not learn about me dying. Ayoko syang mas masaktan.





Tama lahat ng sinabi sa akin ni Magui, I am one coward man. Duwag ako para takasan ang babaeng pinakamamahal ko. Duwag ako para ipagkait sa kanya ang mga bagay na dapat nyang malaman.





Ayokong makitang kinakaawaan nya ako. Natakot ako na baka biglang magbago ang turing nya sa akin kapag malaman nya na mamamatay na ako. Natakot ako na bigla syang mawala. Tanga ako. Yes. Dahil sa ginawang pag iwan ko sa kanya, parang itinakwil ko na rin sya sa buhay ko. Unfair para sa kanya. Unfair but I still made a selfish move.








We both made our own world but just because of a selfish decision, the world where we live began to crash.. Began to crumple. Masakit isipin that right now, at this very instance, she too, suffers at ang dahilan ng 'yon ay ako. Napagtanto ko rin naman na kahit anong desisyon ang piliin ko ay masasaktan ko sya but I made a wiser choice. Gusto ko, kung masasaktan ko sya, kaya nya pa ring makarecover. The skeptic me keeps on reminding me that I am dying and that I have no choice but to face death. I don't wanna see her thinking of my death. I don't wanna see her miserably believe that I can be cured, that we'll still have a happy ending. Gusto kong ngayon pa lang ay tapusin nya na ang kahibangang 'yun. Gusto kong ngayon pa lang ay magmove on na sya. Gusto kong makahanap sya ng taong karapat dapat sa kanya. Someone who will take care of her.. someone who will love her. Alam kong hindi ako ang taong iyon kaya ayaw kong bigyan sya ng maling paniniwala na ako ang happy-ever-after nya.





She deserves to be happy.


She deserves not to be hurt.


She deserves to be taken care of.


She deserves to be loved.





Ayokong ipagkait sa kanya ang maging maligaya. She may not easily understand why I've done this but I know, she'll get through with this in the right time. Maiintindihan nya na kaya ko sya iniwan, kaya ko piniling sarilihin ang problema ko ay dahil mahal ko sya.











Mahal na mahal ko sya.





-Daniel John Ford























THE END....

********
A/N

OMG!!!! Tapos ko agad hahahahaha! Pero habang tinatype ko bawat chapters nito sobrang nalulungkot ako...sorry walAng happy ending...😭😭😭😭💔💔💔💔

Happy KathNiel Day pala! 😘💙

A Letter to My Ex (KathNiel)Where stories live. Discover now