Moving on 8

224 6 0
                                    







Wala akong masyadong matandaan kung anong nangyari kagabi. Ang alam ko lang, nasa bar counter ako and then someone approached me. And everything went black.



Hinahawakan ko ang aking ulo. Gah, parang mabibiyak na ata ito sa sobrang sakit.



"Gising na ang prinsesa." Bungad sa akin ni Val. Hindi ko napansin na nakaupo sya malapit sa kanyang walk in closet, sinusuklay ang kanyang buhok.



"Anong oras na Val? Ah! Ang sakit ng ulo ko."





"Sino ba naman kasi ang nagmagaling kagabi? Ikaw 'tong first-timer sa bar at ikaw pa talaga ang may ganang magpakalasing. Aba matinde! O eto, Advil, kanina ka pa nyan hinihintay."





Inabot ko ang gamot na binigay nya at agad bumangon para uminom "Shit. Anong oras na? Alam ba 'to ni Mommy?"



"12:26pm, and yes." Namutla ako sa naging sagot ni Val. "Joke lang, ipinagpaalam na kita. Ginawan ko na ng paraan. Basta sabi ni Tita, uwi ka daw agad bago gumabi."





"Alam mo ba ang kasabihang Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising?"





"Oo. At paano naman kita bibiruin nung lasing ka kung nawalan ka ng malay?" Halakhak nya. Baliw talaga 'tong isang to.





"And by the way, the guy is cute. Iba pa rin ang alindog mo. Baba ka na lang after mong maligo, you already missed breakfast and lunch, baka mapagalitan ako nila Tita, di ka na payagan lumabas with me." Pagkatapos nyang ibigay ang mga ipapahiram nyang gamit sa akin ay iniwan nya na ako sa kanyang kwarto.





Naligo agad ako at nagbihis at pagkatapos ay pumunta na ako sa dining room upang kumain. Ganito pala yung feeling ng gumigising ng late dahil sa sobrang lasing. I love the whole experience except for the hangover. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Val. I decided to go home early 'cause I want an extension of my rest. Kailangan kong magpahinga dahil marami akong dapat aralin mamayang gabi.



Nag-offer pa si Val na ihatid ako pero tinanggihan ko na. "Okay lang naman yun kay Zanjoe, he wouldn't mind at all."




"No Val, gagawin mo na naman akong third wheel. At ipapamukha mo na naman sa akin na wala akong love life. How rude is that?"




"Whatever. Sige di na kita pipilitin, malay mo makasalubong mo na ang forever mo dyan sa may kanto. Happy ending na, di ka na bitter."




"Walang forever."




"Ampalaya ka talaga Chandria, naku, move on move on din pag may time. Sana talaga mahanap mo na 'yong lalaking magpapatibok ulit ng sugatan mong puso."




"Ew, that's so corny."


"Nasa may kalsada lang 'yon, be observant, sis."



"Ano yun, tambay, adik o pulubi? Pili ka nga sa tatlo." Seryoso kong sagot ngunit halakhak lang ang naging pagtugon nya dito.


"Yung cell phone ko pala, di mo talaga nakita? Hawak ko lang 'yon kagabi."




"Wala talaga, hindi ko alam kung nasaan. Bili ka na lang ng bago."



"Andun lahat ng pictures namin ni DJ, pati messages nya."



"Puro ka kasi DJ, bili ka ng cell phone tapos makipagdate ka. Punuin mo yun ng selfie nyong dalawa. Kung messages ang pinuproblema mo, bigyan kita ng textmate."



"Alam mo, ang tino mong kausap."



"Alam mo din, ang sweet mong kausap Chandria. Umuwi ka na nga para makapag-ayos na ako. Excited na ko sa date namin ni Zanjoe." And in an instant, bumeso na sya akin at nagba-bye.



Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nagpakita kay Mommy. Naabutan ko syang nakakunot ang noo habang kaharap ang kanyang laptop. "Hi Mom, sorry di po kita natext. Nawala po cell phone ko." Bungad ko kay Mommy at hinalikan sya sa kanyang pisngi.


"Gano'n ba 'nak? Sabihin natin kay Daddy mo at magpasama tayo sa kanya ngayon sa mall."


"No My, okay lang po. Kaya ko naman pong magsurvive without my phone. May group naman po kami sa facebook kaya wala pong problema about sa announcements."


"You sure baby?"


"Yes My, asan po pala si Dad?"


"He's out with his friends. Business meetings and get-together in one."


"Miss ko na kayo ni Dad My, can we go out next Sunday?"





"That's brilliant baby, and we miss you too. Buti naman nag-o-open up ka na ulit sa amin. I am actually worried about you and with what had happened with your relationship with DJ." Tiningnan ako ni Mommy, the sad look is palpable in her face.


"My, it's okay. I will be okay soon." I gave her a reassuring smile. Pero deep in my heart, I knew I still haven't recovered. I knew it. Nagtatapang-tapangan lang ako.



"My, I'll go upstairs lang po. Magpapahinga lang po ulit ako." I could feel the warm liquid forming at the side of my eyes. Napakasensitive ko talaga sa ganitong bagay. Why can't I handle myself well?





"Can I hug you baby?" Inilapag ni Mommy ang kanyang laptop at agad akong niyakap. This is one of the best feelings that I would never trade off. I feel safe. Just being wrapped with the arms of my mother, I felt that Im in my haven. Her hug gives me an assurance that everthing will be fine. Hinalikan ako ni mommy sa aking noo bago nya ako pinakawalan.





Pagkaakyat ko sa aking kwarto ay agad akong sumalampak sa aking higaan. Masakit pa rin ang aking ulo pero hindi na gaya ng dati. Napapikit ako. Maraming nangyari kagabi. Maraming pangyayaring hindi na halos matandaan ng aking utak. Kumawala na naman ang luha sa aking mga mata. Traydor na luha to. Traydor na puso to.



Bumangon ako at pumunta sa aking study table. Kinuha ko ang aking diary mula drawer at nagsimulang magsulat.








Dear Ex,

 

💔

A Letter to My Ex (KathNiel)Where stories live. Discover now