INTRODUCTION

537 29 51
                                    


Para sa mga hindi nakakaalam, Ang utak ay brain sa wikang ingles, encephalon naman sa ibang term.

Ito ay parte ng ating central nervous system kabilang ang lahat ng higher nervous centers; enclosed within the skull; continuous with the spinal cord.

Ito ang responsable sa ating thoughts, feelings at conscious brain function; the seat of the faculty of reason.

Ito ay may tatlong bahagi, una, ang Cerebrum na nahahati sa dalawang hemisphere, ito rin ang pinakamalaking bahagi ng utak. Ito ang origin ng lahat ng ating mga voluntary actions. Ikalawa, ang Cerebellum kung saan ay area ng utak na responsable sa controls muscle coordinator. Ikatlo, ang Brainstem na dumudugtong sa spinal cord hanggang foramen magnum. Ito ay pinaghahatian ng apat na areas; medulla oblongata, pon Varolii, midbrain, and diencephalon. The motor and sensory tracts and the nuclei of the cranial nerves all originate in the brainstem.

Naglalaman ng bilyon-bilyong cells(brain cells) ang ating utak. Approximately 100 billion nuerons. Kapag namatay ang mga cells na ito ay hindi na maaring ma-revive pa. Ang pagpupuyat at pagkain ng hindi masusustansyang pagkain ang nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Ang pagkamatay naman ng mga cells sa ating utak ay ang nagiging sanhi naman ng ilang mga sakit gaya ng dalasang pagkalimot.

Kung tutuusin, maliban sa puso, ang utak ang sentro ng ating buhay. Ayon sa mga eksperto, kapag namatay daw ang isang tao, ang utak nito ang huling nagsa-shutdown.

Nakakabilib isipin na ang maliit na karne na ito sa ating ulunan ay ang puno at dulo ng ating pagkatao. Simula sa desisyon, kilos, nararamdaman, talento, at iba pang bagay sa atin bilang tao ay pinatatakbo nito.

Sabi ng isang famous pinoy author sa isa sa kanyang libro, "Tanging ang utak lang ng tao, sa buong kalawakan — ang natatanging bagay na nagpupumilit umintindi sa sarili n'ya. Nakakatawang isiping ang damdamin mo, pagkatao, ala-ala at isipan ay nagmumula lang pala lahat sa maliit na karneng nasa ulo mo."

Sabi naman ng hamak na si Glenn, "Ang kalawakan at ang maliit nating utak ay magkasing lawak lang ng nasasakupan. Pareho itong walang hanggan."

Malaya nating magagamit ang ating kaisipan para mag-isip ng nais nating mangyari(imagination). Ganito kamakapangyarihan ang ating isip na kung minsan ay kaya nitong bumuo ng imahe ng sariling ikaw.

Ayon sa "Didyouknow" (Isang trivia page) Kung ang ating utak ay magiging isang computer ay maaari itong makapag-perform ng 38 thousand-trillion operation kada segundo, napakalayo ng lamang kumpara sa BlueGene, The world's most powerful supercomputer, na .002% lang ang kayang i-manage kaysa sa nauna.

Scientifically speaking, nasa 3% ng utak pa lamang ang nagamit ng pinakamatalinong tao na nabuhay sa kasaysayan. Ayon pa sa theory at hypothesis ng ilang experts. Kung makumpleto ng utak natin ang 100% na pagkabihasa sa paggamit nito. Maaari tayong maging extra-ordinary. God-like. Eternal. Infinite.

Pero ganoon nga kaya iyon?

Gaano ito katotoo?

Sino ang makapagsasabi?

Walang nakakaalam.

Pero isa lang ang sigurado,

Kapag hindi nag-ugnay ang ating katawan sa walang sukdulang kayang abutin ng ating isipan ay hahantong ito sa pagkasira.

--

Megalomania's Intro.

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon