Chapter 24

189 9 22
                                    


Chapter 24: Demons.

----

Mental Hospital.

Isang malambing na tinig pero nakapangingilabot na parang galing sa kailaliman ng lupa ang tumawag kay Aki.

Napadilat tuloy siya.

Nang mabuhay na ang diwa ay tumambad na naman sa kaniya ang itim na nilalang na nagki-claimed na bad form niya daw.

"Everything is under control," masaya nitong sabi na ikinataas naman ng balahibo ng binata at naging dahilan din ng bigla nitong pagbangon.

Napaatras siya at napasandal sa sulok na takot na takot sa nakita.

"That face again?" nangingiting tanong ng nilalang. "Hindi ka ba masaya dahil nagpakita ako sa'yo ulit? And take note, english na ang mga bitaw kong salita."

Hindi siya pinansin ni Aki. Humawak lang ang binata sa ulo nito saka pumikit. "Hindi ka totoo! Hindi ka totoo! Hindi ka totoo!"

Tinawanan lang siya nito. "Totoo ako. Real na real parang nestfruta buko why not---coconut," sabay halakhak habang kinakanta ang sinasabi.

"Tigilan mo na'ko, demonyo!!!!" bulalas ni Aki.

"O.A. wala naman akong ginagawa sa'yo," nang-aasar nitong wika sabay lapit kay Aki. "Saka 'wag kang masyadong maingay baka mapagkamalan ka nilang baliw----oops, baliw ka nga pala sa pagkakaalam nila," humalakhak na naman ito ng walang pakundangan.

"What do you want from me?"

"Ikaw ang bumuhay sakin, ibig sabihin ikaw ang may kailangan," tinapik nito sa balikat si Aki. "Huwag kang mag-alala, isa-isa ko ng binura sa mundong ito ang mga taong nanakit sa'yo. Sinunod ko na rin 'yong mga pakialamero," biglang sumeryoso ang itim na nilalang. "Pero hindi pa sila nauubos e. Okay lang, exciting nga e."

Naalala na naman ni Aki ang mga sinabi ng itim na nilalang sa kaniya--- kung paano nito pinatay ang mga taong iyon.

Kung ganoon totoo nga? Hindi nga ito isang imahinasyon. Gamit ang imahe niya ay pumapatay ang entity na ito.

"RD, Rei, Anna, Mela, Gab, Angel, Abie, Frenzes, Jaylu and Simon plus 'yong tatlong preso na binigti ko." Wika nito habang bumibilang sa mga daliri. "Madagdagan pa'yan, mas marami mas maganda," sabay ngiti.

"Anong sinasabi mo?"

"Nalimutan mo na ba?" seryosong sambit ng itim na nilalang. "Epekto na 'yan ng fracture mo sa ulo, nag-uulya ka na."

Hindi umimik si Aki.

"Kapag nakumpleto na ang ritwal ay magkakasama na tayo Aki," dahan-dahan itong tumabi sa kaniya saka inilapit ang bibig nito sa tainga ng binata at nagwika. "Hinding-hindi na tayo maghihiwalay, kaunting tiis na lang. Magagawa na natin ang gusto mo ng walang hadlang. Ikaw na ang magiging pinakamakapangyarihan."

"'Wag kang lalapit," pero bago pa man natapos ni Aki ang sasabihin ay nilingkis na siya ng itim na nilalang saka unti-unting pumasok sa kalooban niya.

"Ikaw ay ako-ako ay ikaw,"

Pagkatapos ay tuluyan na itong pumasok sa katawan ni Aki.

Dahil doon ay nagimbal ang binata at biglang nagsisisigaw.

Nabulahaw ang lahat noong oras na iyon dahil sa pagwawala ni Aki. 03:00am.

Agad namang rumesponde ang mga staff ng mental hospital at itinali si Aki na patuloy pa rin ang pagsigaw. "Nurse Shane, tulong! Tulong!"

Hindi siya pinapansin ng mga ito. Naroon rin si nurse Bernadette na nakatingin lang sa kaniya.

"Nurse Bernadette, tulong, pakitawag si nurse Shane! Parang awa ninyo na! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!"

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Where stories live. Discover now