Chapter 22

219 12 38
                                    


Chapter 22: Missing.


-----

Naglalakad si Jaylu pauwi ng bahay galing sa talyer na pinapasukan niya. Medyo ginabi siya ngayon dahil napasabak siya sa inuman.

Namamasukan siya bilang part-time mekaniko sa talyer ng kaniyang kaibigan. Dati siyang driver kaya lamang ay hindi na siya nakakapagmaneho ngayon dahil sa may depekto na ang magkabila niyang binti.

Kung tutuusin ay hindi pa dapat siya nagtatrabaho sa ngayon. Kailangan niya lang talagang kumayod para sa pamilya.

Napadaan si Jaylu sa malaking tulay kung saan ito lang ang nag-iisang daan papasok sa lugar na tinitirahan niya.

Eksakto nang nasa kalagitnaan na siya ng tulay ay biglang namatay ang ilaw sa poste sa bandang likuran.

Napahinto siya saglit saka lumingon sa likod. Pagkalaon ay naglakad na siyang muli paabante kaya lamang ay natigilan ang binata dahil sa may nakatayo na sa kaniyang harapan. Ilang metro lang ang layo nila sa isa't-isa.

Ngumiti ito sa kaniya.

Nang maaninag niya naman ang mukha nito ay sumilay ang takot sa kaniyang imahe. Natatandaan niya ang mukha nito.

"I-ikaw?" nawala ang kalasingan niya. "P-paanong?"

Mabilis ang mga pangyayari. Sinalakay siya ng kung sinoman at kasunod noon ay nawalan na siya ng ulirat dahil sa takot.

Pagkagising ay nakahiga na siya sa isang strecher. Nakatali ang mga kamay at paa niya pati ang bahagi ng leeg.

Lumigid siya ng tingin habang inaalala ang mga nangyari.

Medyo nanlalabo ang paningin niya at namamanhid. Parang may kung anong itinurok sa kaniya dahil hindi niya maramdaman kahit ang sarili at bukod doon ay nanghihina siya.

Ang tanging naaninag niya lang ay ang ngiti ng kung sinoman habang nilalagare ang mga kaniyang kamay.

"'W-wag mong gawin y-yan, parang a-awa mo n-na," walang buhay niyang sambit.

Ngisi lang ang itinugon ng kung sinoman habang patuloy sa paglagare sa kaniyang kamay.

Hinampas pa nito sa mukha ni Jaylu ang bahagi ng braso ng binata na nalagare na.

Gustong humiyaw at manlaban ni Jaylu pero sadyang wala siyang lakas. Epekto nang kung tinurok sa kaniya.

Sunod na ginawa nito sa kaniya ay pinagtutusok ang mukha niya ng mga bubog galing sa salaming nabasag.

Ramdam ng binata ang pagbaon ng mga matatalim na bagay sa kaniyang mukha pero wala siyang madamang sakit.

Nang dumaloy sa mukha niya ang mga dugo ay dumaloy din ang takot sa buo niyang kalamnan.

"T-tama na," kita man ang malaking takot sa imahe ni Jaylu ay hindi niya naman magawang umalma dahil parang hinang-hina siya at namamanhid.

Gaya ng dati, ngiti lang ang tinugon ng kung sinoman. Ngiting nanggaling sa impyerno. Naakatakot.

Matapos ang pagbaon ng mga bubog sa mukha ni Jaylu ay napaluha na lang siya ng iharap sa kaniya ng killer ang isang salamin.

Nagreflect doon ang itsura niya na hindi kaaya-aya.

"And the finale."

Pagkatapos ay kumuha ito ng matalim na bagay saka hiniwa ang tiyan ng kaawa-awang si Jaylu.

Pumiglas ng bahagya ang binata dahil sa ginawa ng killer. "P-parang awa m-mo na," umiiyak na siya habang nagmamakaawa pero manhid parin ang katawan niya.

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon