Chapter 10

316 17 107
                                    


Chapter 10: Paramnesia.



------

Time: 20:30
Tagaytay Police Headquarter.

"Chief andito na po siya," ani ng isang police pagpasok sa office ng chief police ng tagaytay na si Roh Roh Estaberoh.

"Papasukin mo."

Pagkasabi noon ni Rohroh ay agad pumasok ang poging-poging lalaki.

"Good evening chief," saka sumaludo ang poging-poging lalaki.

"Good evening Detective Glenn Amer. Thank you for accepting this job," naglahad ng kamay ang chief.

"My pleassure," nakipagshake-hands naman si Glenn.

"Kampante ako na masosolve mo ang kaso."

"Thank you for trusting me," sumilay ang ngiti sa mukha ni Glenn. Ngiting may kumpyansa.


------

Umaga.

Isa-isang tiningnan ni Glenn ang kuha ng patay na katawan na binigay sa kaniya. Yung lalaking natagpuan sa cr ng picnic groove na wala na ang puso.

"Nawawala ang puso?" ani niya habang hinihimas ang.. .

Baba. Hinihimas ang baba. 'Wag green.

"Grabe naman ang mga killer dito sa tagaytay, brutal," nasabi niya iyon dahil nabalitan niya rin yung babaeng isinilid at pinagkasya sa maliit na kahon na kinilalang si Shade Umipig.

Mabuti na lang ay nahuli na ang suspek. Alexander Baruelo ang pangalan. Nagawa niya lang daw 'yon dahil sa tama ng droga. Iba talaga ang nagagawa ng droga sa isip ng tao.

Matapos matingnan ang larawan ay ibinaba niya ito sa kanyang desk saka binuklat ang folder at binasa ang ilang report tungkol sa kaso.

RD Esnaldo Sangalang ang real name ng biktima. 20 years old. Student sa Olivares collage na tapat lang ng City land. Ayon pa sa report ay meron itong girlfriend. Amor Paula Buena Santos naman ang pangalan. Masaya at faithful sila sa isa't-isa.

Ayon sa panayaman kay Paula ay pauwi na sila ng boyfriend niya ng mga bandang 23:00 ng pumara sila ng trycicle. Nagtaka daw ang magkasintahan dahil sa ibang direksyon sila nito idinaan. Nang pinahinto nila ang trike ay huminto naman ito kaya lang pagkababa nila ay bigla daw pinukpok ng driver ng bato sa ulo yung boyfriend niya samantalang si Paula naman ay sinikmuraan kaya nawalan siya ng malay. Hindi na alam ng dalaga ang nangyari pagkatapos noon, nabalitaan na lang na patay na ang boyfriend niya. Hindi naman matandaan ni Paula ang itsura ng tricycle driver. Ang tricycle naman ay hindi pa nakikita hanggang ngayon.

Nang puntahan ni Glenn ang bahay ni Amor Paula Buena Santos para sana interviewhin pa ito ay nagulat siya sa naabutan. Pinaglalamayan narin ito.

Nang tanungin niya ang kaanak ni Paula, sinabi ng mga ito na nagpakamatay daw ang dalaga dahil hindi niya matanggap ang sinapit ng boyfriend niya. Napailing na lang si Glenn bago lisanin ang lugar.

Nagtungo rin siya saglit sa Picnic groove para icheck ang lugar. Kahit peak season ay kaunti ang mga tao. Malaki ang naging epekto ng krimen na nagdala ng takot sa mga extortionists at tourists.

Walang cctv sa buong park pero ang cr ay malapit lang sa tindahan ng souviner. Kung may tao sa mga tindahan siguradong maririnig nila ang patayang naganap dahil base sa itsura ng biktima ay malamang nagkaroon muna ng engkwentro bago mabali ang leeg nito. Naconfirm ni Glenn na walang natutulog sa mga tindahan.

May guard din sa entrance. "Paano naman naipasok ng killer ang biktima dito?" tanong niya sa isip. Medyo mataas kasi ang bakod. Kung sakaling mag-o-over the bakod ang killer sure na may makakakita sa kanya dahil nasa main highway lang ito. Hindi rin naman pwede sa likod dahil bangin na iyon. Kita na ang Taal volcano sa likod.

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon