Chapter 12

273 15 101
                                    


Chapter 12: Stains.


----
Tagaytay Forensic Laboratory.

Pagdating ni Glenn ay agad siyang sinalubong ng isang cute na chubby na parang nerd pero georgeous na babae.(Nakanang georgeous daw. Tama ba spell?).

Tinanggal ng babae ang eyeglass pati ang lab gown niya saka nakipagkiss este nakipagkamay sa detective. "Long time no see detective ng kabilang mundo," nakangiti nitong sabi.

"Oo nga, long time no see Master Jeremiah?" sabay ngiti si Glenn sa kausap habang nakikipagshake hands. "Lapit na pasko ah, pamasko ko."

Tinapik tuloy siya ng kausap gamit ang kabilang kamay. "Baliw ka talaga," pagkatapos ay tumalikod ito. Sumunod naman si Glenn pati ang kasama niyang isang pulis patola.

"Sir.Glenn sino siya?" tanong ng pulis patola.

"Gem Kutamura," tipid na sagot ni Glenn na deretso lang ang tingin.

"Wow, Gem Kutamura? 'Yong sikat na Forensic Scientist? Ayos ah, puro henyo pala ang mga kasama ko dito e," -Pulis patola.

"Yap. Kaya mamaya, papalitan ka na, Na-introduced mo naman na si Gem e. Enjoy your first and last role."

Dahil sa dismaya ay nag-walk-out na lang si pulis patola habang umiiyak. Tulo pa uhog. Kawawa.

Pagpasok sa morgue ay muling sinuot ni Gem ang lab gown, pati ang eyeglass, gloves at surgical mask. Binigyan niya rin si Glenn ng gloves at surgical mask.

Binuklat nito ang isa sa mga bangkay saka binigay kay Glenn ang isang folder na naglalaman ng detalye ng pagkakakilanlan nito.

Binasa iyon ng detective. "Rei Wp," saka lumingon sa bangkay. "Psychiatrist siya?"

Tumango naman si Gem. "Natagpuan siyang patay sa loob ng rest house niya malapit lang sa people's park," paliwanag nito na tinanguan din ni Glenn saka tumugon.

"Nakita siyang nakatali ang mga paa at nakabitin na parang baboy sa terrace. Nakatahi ang bibig at putol ang mga daliri sa kamay. Duguan ang ulo na marahil ay ito ang naging sanhi ng kamatayan niya."

"Tumpak," napapitik ng kamay ang doctor saka iniangat ang likurang bahagi ng ulunan ni Rei.

Nang makita iyon ni Glenn ay napangiwi siya. Bukas na kasi ang bahagi ng brainstem nito na may limang malalalim na butas sa loob. "Anong nangyari?"

"Hand drill ang ginamit sa pagbukas ng bungo niya, 'yong mga butas diyan e ito," kinuha ni Gem ang stainless matt na naglalaman ng limang pakong de kuatro at iniabot 'yon sa kausap.

"Isinalpak 'to sa ulo niya?" si Glenn habang sinusuri ng mga mata ang pakong de kuatro ang haba.

Tumango naman si Gem bago ulit tumugon. "Shoe needle naman ang ginamit na pangtahi sa bibig niya."

"Shoe needle?" napapailing na sambit ng detective. "Grabe ang galit ng killer, huh."

Tumaas lang kilay ng binibini bilang pagsang-ayon. "Nga pala, hinahanap n'yo 'to 'di ba?" ipinakita niya ang isang seal na plastic bag na naglalaman ng mga nawawalang daliri ni Rei.

Nang makita iyon ni Glenn ay bumaling agad siya sa bangkay saka lumingon ulit kay Gem.

"Yap, it's inside of her mouth."

"Woaw." 'yon na lang yung nasabi ni Glenn.

"Ito namang tungkol sa bangkay ni Doc. Anna Marie Remedios Marata," saka binuklat ng doctor ang isa pang bangkay. "Strychnine ang ginamit para mapatay siya."

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon