Chapter 15

276 16 65
                                    


Chapter 15: Puzzle.




-----

Pagdating nina Glenn at Simon sa Tagaytay Police Headquarter(PTH) ay nandoon na si Gem.

Iniabot agad ng dalaga ang folder na hawak niya. Binasa naman iyon ni Glenn.

"So hindi stain?"

Tumango si Gem bilang tugon.

"Kung hindi stain, e ano?" singit si Simon.

"Blood," sabay na wika nina Gem at Glenn.

Nagulat naman si Simon sa narinig. "B-black blood?"

"Yap," tumayo si Gem sa kinauupuan at kinuha ang binabasa ni Glenn. "100% na dugo ng tao ang itim na stain na nakita sa katawan ng tatlong biktima, pero walang pagkakakilanlan ang black blood."

"Seriously?" Glenn "Baka naman nagkamali ka lang---" hindi na halos natapos ng detective ang sasabihin niya dahil pinukol na agad siya ng masamang tingin ni Gem. Alam niyang insulto para sa dalaga ang mga nasabi niya. Sa tagal ba naman ni Gem sa larangang iyon e dalawang beses pa lang itong nagkamali, ito ay ang nagmahal at nagpakatanga ang binibini sa taong kahit kailan ay hindi nagsukli ng pag-ibig. Bukod doon ay wala na itong record ng pagpalya sa work.

Pulido, sigurado at malinis ito pagdating sa trabaho. Lalo na sa paghihimay ng katawan ng mga yumaong tao.

"I'm sorry," bawi ni Glenn. "Hirap lang kasi paniwalaan e, black blood. Wew."

"Baka sa alien dugo 'yon?" eksena na naman ni Simon. Kahit kailan talaga.

"Laking tulong mo e noh? Timpla mo na nga lang kami ng maiinom," Glenn.

"Hot choco sa'kin," segunda ng dalagang doctor.

"Ai, Ai, Captain!" sumaludo pa ang mukhang tangang si Simon bago lumabas ng office.

Napabungtong hininga naman si Glenn kaya napansin iyon ng dalaga.

"Lalim ah."

"Oo ee."

"Nga pala nakakita rin ako ng black stain... i mean black blood sa katawan nina Mela at Gab."

"Really?" nagulat si Glenn.

"Sabi mo nahuli n'yo na ang suspect, Aki, right?"

"Hindi pa sigurado ee."

"Hindi ba't may evidence na kayo?"

"'Yong notebook---pero hindi magkakatugma ee. 'Yong time frame ay labo-labo, then solid ang alibi ng akusado plus ito pa ngayon, the black blood," dismayadong tugon ni Glenn.

"Baka naman may kasabwat siya o may inuutusan, tapos doon galing ang black blood."

"Sino naman ang uutusan niya? Anong klaseng tao ang may kulay itim na dugo?"

Hindi na sumagot ang binibini.

"Sa totoo lang, noong tinitingnan ko si Aki sa mata, wala akong naramdaman na awra ng isang kriminal. His eyes are very innocent. Pero sa isang banda, sinasabi parin ng utak ko na may kinalaman siya," ani pa ni Glenn.

"Baka naman hindi talaga siya involve?" -Gem.

"Baka naman involve talaga siya?" -Glenn.

"Baka naman matapon 'tong mga tinimpla ko, ito na mga masters," singit ni Simon.

Pagkakuha nila sa mainit na inumin ay saka nagbalik ang usapan.

"Nga pala, nalimutan kong sabihin ang tungkol sa research ko," nabaling ang attention ng dalawa sa batang detective. "I found out na sina Doc. Anna and Doc.Rei ay may connetion kay Aki. Si Doc.Anna ay personal doctor ni Aki while Doc.Rei is his psychiatrist."

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon