Chapter 27

174 12 18
                                    


Chapter 27: Flashback.1



-------

RD Esnaldo Sangalang's death.

Pauwi na ang magkasintahang RD at Paula galing sa Olivares College.

Ginabi sila dahil sa pag-aayos ng ilang mga gamit para sa darating na event sa kanilang paaralan.

"Mahal, magtrike na lang tayo," suhestyon ni Paula na kita ang pagod sa mukha.

Tumango naman si RD saka naglakad patungo sa terminal ng trike, kaso bago pa makapunta ang binata sa lugar ay may isang tricycle na ang lumapit sa kinaroroonan nila.

"Tricycle kayo," anyaya ni Aki. Nakasuot siya ng sumbrerong itim at nakajacket.

"Tara na mahal," agad pinapasok ni college boy ang kaniyang girlfriend na sinundan niya pagkalaon.

Hindi na tinanong ni Aki kung saan sila pupunta. Pinaandar nito agad ng mabilis ang trike na ipinagtaka ng magkasintahan.

"Mahal, saan ba tayo dadalhin ng driver? Kinakabahan ako," napayakap ang babae sa kasintahan.

"K-kuya, pakibaba na kami," paki-usap ni RD kay Aki nang makita na sa ibang direksyon sila dadalhin nito.

Huminto naman sa pagdadrive ang huli. Pagkatigil ay agad bumaba ang magkasintahan at naglakad palayo.

Kaya lamang ay hindi namalayan ng dalawa na sumunod pala si Aki sa kanila, may dala itong bato at buong lakas na pinukpok sa ulo ng college boy. Nawalan agad ito ng malay at humandusay sa sahig.

Napatili si Paula sa gimbal sa nasaksihan. Kinumutan siya ng takot dahil sa pangyayaring iyon. Hindi niya alam kung anong gagawin.

Bago pa maaksyon ang dalaga ay sinikmuraan na siya ni Aki. Dahil sa mahina lang ang katawan niya bilang babae ay nawalan din siya ng malay sa ginawang iyon ni Aki.

Madaliang binuhat ni Aki-boy si RD at isinakay sa trike. Iniwan naman nito ang babaeng nakahandusay sa sahig at walang malay saka nagmaneho patungo sa picnic grove.

Ihininto niya ang sasakyan sa tapat mismo ng entrance ng nasabing parke saka binuhat ang kaniyang biktima.

Dumiretso lang siya ng pasok dahil tulog naman ang gwardya. Dinala niya ang walang malay na si RD sa cr ng lalaking malapit sa mga tindahan ng souviner.

Inilapag ni Aki ang walang malay na college boy sa isang booth. Pagkatapos ay nagtanggal ito ng saplot sa katawan at isinampay sa isang gilid.

Noong mga oras namang iyon ay nagkamalay na si RD. Medyo masakit ang ulo nito gawa ng pagkakapukol. Dahan-dahang tumayo ang binata ng maalala ang nangyari.

Agad siyang lumabas ng booth kaya lang ang nakita niya si Aki na hubo't hubad at nakaabang sa kaniya.

Nagkatinginan sila ng mata sa mata. Ang isa ay balot ng takot ang mababanaag sa mga mata habang ang isa ay puno ng lisik at galit.

Napangiti si Aki na lalong ikinaurong ng bahag ni RD.

"P-please, let me go Sir," pagmamakaawa ng college boy na sinuklian lang ng nakakatakot na ngiti ni Aki.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, biglang hinawakan ni Aki si RD sa ulo saka ito hinatak pabalik sa booth at doon ay buong lakas niyang binali ang leeg nito.

Sumirit ang napakaraming dugo ni RD at lumawit ang buto sa sobrang pagkabali. Kasunod noon ay walang buhay na humandusay ang katawan ng kaawa-awang binata na pumaling pa ang ulo sa inidoro. Nagmistula itong naligo sa sariling dugo.

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Where stories live. Discover now