Chapter 30

135 12 20
                                    


Chapter 30: Sacrifice.

-----

"Gusto mo bang makita kung paano namatay ang 'yong asawa?"

Namilog ang mga mata ni Glenn sa mga sinabi ng masamang elemento. Paano nito nalaman na may yumao na siyang asawa?

"Ipakikita ko sa'yo sa pamamagitan niya," saka ito ngumisi habang ang mga mata ay nakatuon kay Eljey na halos mawala na sa sarili.

"H-hindi!" kasabay ng singhal na iyon ay ang muling pagguhit ang kidlat sa kalangitan. "Itigil mo 'yan!" nagpaputok ulit ang detective pero gaya ng nauna ay hindi ito tumalab.

"Sa susunod na pagbaril mo ay gagawin ko ng harang ang babaeng ito. Saka iniharap ng itim na nilalang si Eljey na nakatali pa rin ang buong katawan. Labis-labis na ang takot ng babae kaya nangangatal na ito, sinabayan pa ng malamig na samyo ng hangin at palitang patak ng ulan

Dahil sa mga sinabing iyon ng kalaban ay natigilan si Glenn. Wala siyang nagawa kun'di ibaba ang hawak na baril.

"Hindi ba't ganito ang nangyari sa namayapa mong asawa?" nakangiting saad ng kalaban sabay pilit na ibinuka ang bibig ng dalaga.

"Tama na!" nayukom ng detective ang sariling kamay dahil sa galit.

Ngumiti lang na may pang-iinsulto ang itim na nilalang saka biglang binunot ang isang ngipin ni Eljey. Nagsisigaw naman ang huli at pilit isinara ang bibig kaya lang ay sadyang malakas ang paghawak ng masamang elemento sa panga ng dalaga kaya hindi ito maisara.

"Itigil mo na 'yan! Demonyo ka!" kita sa mata ng detective ang matinding galit.

Sa halip na makinig ay ngumisi lang ang demonyo saka sunod-sunod na binunot ang upper part na mga ngipin ng kaawa-awang dalaga na nagpupumiglas naman at hindi na maintindihan ang isinisigaw dahil sa sobrang sakit ng nararamdam. Ano nga naman kaya ang pakiramdam ng bunutin ang mga ngipin ng walang anistisya.

Umagos ang dugo sa buong bibig ni Eljey pababa sa kaniyang damit. Masaya naman siyang minasdan ng itim ng nilalang habang ngumingisi.

"Hindi ba't tinanggal ang mga ngipin ng pinakamamahal mong asawa?" nanunuyang saad ng demonyo.

Sa galit ay napasigaw si Glenn at hinagis ang baril saka sinugod ang kalaban. Dali-daling tumakbo ang detective paakyat sa hagdan kaya lamang ay bago pa siya makalapit sa target ay tumalsik na agad siya pabalik dahil sa sipang napakalakas.

Gumulong-gulong si Glenn sa hagdan saka tumama sa isang posteng bakal. Napasuka siya ng dugo sa nangyari, napuruhan ata.

"You will never win against me," saad pa ng halimaw. "Nakanang english 'yon ah. Hindi na bale, ituloy na natin ito."

Isinunod niya ang lower part na mga ngipin ni Eljey. Nagkukumahog naman ang huli sa takot pero wala itong nagawa kun'di umiyak.

Nang matapos ang kahayupan ay natuwa ang halimaw sa kinalabasan ng itsura ni Eljey. Animo'y isa itong sanggol na bagong panganak.

"Next step," saka bumunot ang kalaban ng kung ano sa katawan nito. "Para akong si doraemon no?" masaya nitong sabi pagkakuha ng matalim na gunting.

Nanlaki ang mga mata ni Glenn sapagkat alam na nito ang sunod nagagawin ng demonyo. Sa kabilang banda ay napailing naman sa takot ang dalaga ng masilayan ang malaking gunting. Hindi maganda ang kutob ni Eljey kaya kahit na hirap ng makapagsalita dahil sa tinamong sugat sa bibig ay pilit itong nagkakawag habang lumuluha ng matindi.

"Hindi ba't ganito ang ginawa ng pumatay sa asawa mo.. .pagkatapos bunutin ang mga ngipin niya ay. . ."

"'Wag mong ituloy, please!" pagmamakaawa ni Glenn kaya lang ay nilakihan lang siya ng mata ng itim na nilalang.

Saka ito masayang tumitig kay Eljey na lalong ikinatakot ng dalaga.

"Open your mouth."

Mabilis nitong hinatak ang dila ng dalaga at ginunting. Napatili naman sa sakit ang huli habang si Glenn ay hindi na alam ang gagawin.

"Tama na, please! Tama na!" parang napanghinaan na rin ang detective sa mga nasasaksihan. "Itigil mo na'tong demonyo ka! Kung ano ka man! Tama na!"

Humalakhak ng malakas ang itim na nilalang dahil sa reaksyon ng detective.

"Hindi pa tapos," saad nito pagkalaon.

Saktong pagkasabi noon ay sumugod si Aki ng hindi namamalayan. Nakaakyat pala ito mula sa kabila pero hindi naman nakaabala iyon sa itim na nilalang, madali lang naiwasan si Aki saka ito sinuntok at bumalandra sa bakal na grills. Tumama rin ang ulo ng binata sa naging sanhi ng pagkahilo nito.

Dahil doon ay napasuka rin ng dugo si Aki.

"Aki, manahimik ka na lang muna r'yan," anas ng demonyo saka muling bumaling kay Eljey na hirap na hirap na sa kalagayan. Marami na kasi ang dugong tumagas mula sa dalaga.

Binitbit ng itim na nilalang ang dalaga at dinala sa tuktok ng tangke na nasa likuran lang nila saka binuksan ang itaas na bahagi nito.

"Hindi ba't ganito ang huling ginawa sa asawa mo?" sigaw nito habang ang atensyon ay nasa detective. "Magthank you ka sa'kin dahil idinemo ko sa'yo kung paano namatay ang iyong kasintahan," pagkatapos ay ihinulog niya sa loob ng tangke ang kaawa-awang dalaga.

"'Wag!"

Hirap na tumakbo si Glenn papunta sa tangke kaya lang ay hindi na siya umabot, isinara na kasi ng halimaw ang lagusan. Tiyak na ang kamatayan ng dalaga.

Sa pagmamadali ay napada si Glenn pero pinilit niya pa ring tumayo.

"Napakasama mo!" saka ito sumigaw ng napakalakas.

Tumawa lang ang halimaw gaya ng lagi nitong ginagawa. "Ang tangkeng 'yan ang nag-iisang saksi sa lahat ng pangyayaring ito," litanya nito habang patungo kay Glenn.

Paglapit ay iniangat nito ang ulo ng detective.

"Any last word?" Hindi na halos natapos ng itim na nilalang ang sasabihin dahil sa isang sigaw.

"Itigil mo'yan!"

Napalingon sila pareho kay Aki. Hawak nito ang baril ni Glenn na hinagis kanina at nakatutok na sa sariling sentido.

Nanlaki ang mapulang mata ng itim na nilalang matapos makita si Aki sa ganoong kalagayan.

"A-aki, what are you doing?" ani Glenn.

"Ikaw ay ako at ako ay ikaw. . . kapag pinatay ko ang sarili ko, mawawala ka ng demonyo ka!"

Nagulat ang detective sa narinig.

"Aki--wag," kabadong saad ng itim na nilalang.

Ang masaya nitong imahe ay napalitan ng kaba at takot. Takot na parang may iniiwasang maganap.

"H-hindi mo ma-ga-gawa 'yan. . . hindi mo kaya. .."

"Tumigil ka!"

"Aki may iba pang paraan. . ." segunda ni Glenn na hindi na halos natapos.

"Ako ang nagsimula ng lahat ng ito, kaya ako rin ang tatapos!"ani ng binata sa detective.

Ilang segundo ay tinanaw naman ni Aki ang masamang elemento. "Ngayon, magpaalam ka na demonyo! Hindi ako papayag na mayroon pang mamatay!"

"'Wag, Aki! 'Wag!"

"Mas mainam na ialay ko ang buhay ko mawala ka lang."

Mabilis na tumungo sa kinaroroonan ni Aki ang itim na nilalang pero bago pa ito tuluyang makalapit ay naiputok na ng binata ang baril.

"Waaaag!"

Kasabay ng pag-alingawngaw ng putok ng baril ay ang pagbabalik tanaw ni Aki sa nakaraan. . .

ITUTULOY.

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon