Chapter 6

296 16 58
                                    


Chapter 6: Effect.


After two months

-----

Malamig na ang simoy ng hangin. Kita narin sa bawat bahay, kakalsadahan at iba't-ibang establisyemento ang diwa ng papalapit na kapaskuhan.

"Magandang umaga po mga kapusa. Ito ang mga ulo ng mga nagbabagang balita sa bente kuatro oras na nakalipas.

Pasintabi lang sa mga nag-aalmusal o kumakain.

Isang babae ang patay at nagtagpuang nakasilid sa kahoy na kahon sa highway ng mahogany ilang metro ang layo sa NBI station. Sa liit ng kahon ay pinagkasya lang ang 5ft. na katawan ng biktima. Nagmistula po itong sardinas.

Gutay-gutay at bali-bali ang katawan ng kawawang biktima na hindi na matukoy halos ang pagkakakilanlan.

Nagsasagawa na po ng imbestigasyon ang Tagaytay police sa nasabing krimen---"

Pagkaunat ng mga kamay ni Aki ay natabig niya ang remote control kaya nahulog ito sa sahig dahilan para malipat ang channel sa MYX.

"Ang almusal ay sigawan!"

"Ang hapunan natin ay tampuhan!"

"Ang meryenda pagdududa"

"Kasi mahal kita wala ng hahanapin pang iba."

"Handa 'kong magtiis kahit na---"

Dahan-dahang napadilat ang binata habang nagpapatuloy ang music video.

Nilibot muna niya ng tingin ang paligid bago bumagon sa sofa kung saan siya nakatulog. Doon ay tumambad sa kaniya ang kalat sa sala.

Bukas na tv. Nagkalat na piraso ng junk foods sa maliit na glass table kasama ng ilang boteng Smirnoff Mule, natapon pa ang isa kaya kumalat sa sahig ang alak pati ang amoy nito. Natapakan tuloy 'yon ni Aki.

Gulo-gulong kagamitan, mga papel, damit at may basag pang flower vase.

Patay sinding ilaw sa bandang kusina na nagpadagdag sa mystery effect ng scene. Papundi na kasi ayaw pang palitan. Wew.

Binuksan ni Aki ang ilaw habang nakahawak sa ulo. Hang-over ba?

"Nyare dito?" saka siya pumunta sa banyo na ilang lakad lang mula sa pwesto niya.

Pagkahilamos ay saka siya humarap sa salamin. Nakita niya ang sariling reflection na nagtatanong sa sarili kung anong nangyari kagabi? Nalasing ba siya ng bongga kaya wala siyang maalala?

Ilang sandali ay napansin ni Aki ang Kiss mark sa kaniyang kanang dibdib. "Chiki--?" napahawak na naman siya sa ulo dahil sumakit ito ng bahagya.

Agad niyang kinuha sa likod ng salamin ang maliit na botelyang naglalaman ng gamot na tableta saka kumuha ng isa at madaliang ininom. Pagkatapos ay dumeretso siya sa kitchen area, binuksan ang ref at kumuha ng maiinom.

Napabuntong hininga siya ng malalim. Tapos ay saka niya kinuha ang damit niyang nakakalat sa sahig at muli iyong sinuot.


----

Matapos maglinis ng mga kalat at mag-ayos ng sarili ay lumabas si Aki ng condo unit para magtungo sa kaniyang doctor. Check-up niya kasi ngayon.

Simula kasi ng maaksidente siya two months ago ay kinailangan niya na ang dalasang check-up para maobserbahan ang lagay ng malaking crack na natamo niya sa bandang kaliwa ng noo. Kada three weeks ang schedule ng check-up niya.

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon