💠Chapter 28💠

89K 3.8K 1.4K
                                    

Snow's POV

Naging regular ang pagsasaya tuwing nananalo kami. Pati na rin si Headmaster ay naging kabilang sa nga dumalo. Naging mas maingay ang kainan dahil hindi ko inakala na makwela pala itong si Headmaster at mukhang kasundo ito ng hari at reyna.

"After this Elites, I need to talk to you." Saad naman ni Headmaster na pasimple lang na nginuya ang pagkain.

Ano na naman kaya ang sasabihin nito? Mukhang hindi naman gaanong inportante base sa ekspresyon ng mukha nito.

"Sure." Sagot naman ni Luna at tumango lang naman kami. Si Yuan naman ay parang wala lang narinig.

Si Osiris naman ay sobrang tahimik lang sa tabi at hindi na ibinibida ang sarili. Mukhang nawalan na ito ng matinding kapit, hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari kung bakit hindi na siya suportado ng reyna, kagaya ng dati.

"But you guys there are way too awesome. I didn't knew you grew up that fast Snow. Unbelievable." Komento naman ni Headmaster Kier.

I just wanted to bury myself, ayoko talagang pag-usapan nila ang tungkol sa kapangyarihan ko. Ingat na ingat nga ako para di nila malaman. Pero hindi naman talaga nila maiwasan na maintriga, since I can somehow wield my element better than anyone.

"Of course, she'd done ridiculously hard trainings. It is impossible for her not to grow up fast." Sagot naman ni Jin.

Napatingin naman dito si Yuan na napahinto sa pagnguya. He eyed Jin but he did not noticed it.

"She is just way too strong with her element. Period." Saad naman ni Luna na parang gusto din tapusin ang usapan. Hindi naman lingid sa kanila na itinatago ko ang iba ko pang kapangyarihan.

"You bet. Her water skills looks like fire to me. But it's impossible because it's blue." Sagot naman ni Headmaster.

Halos nabulunan naman ako sa sinabi nito. Dapat magpasalamat talaga ako dahil asul ang kulay ng apoy ko. It's easy to lie about it but I know I can't lie about it forever.

"She's really good in handling her ability. Very exceptional." Saad naman ng reyna na halos ikinamatay ko na sa hiya. This is freaking not a good thing! Being the one on the spotlight is such a bad idea.

"Agree." Kuro naman nila at hindi na ako umimik pa.

The celebration finished with a toast and after we exited from the dinning hall we proceed to the private library where it is far from privy people. Hindi ko alam kung bakit dito pa kailangan mag-usap. If its school stuff, I don't see any reason para magtago pa ng ganito.

Umupo naman kami sa may mahabang sofa at magkatabi kami nina Luna at Violet while the three boys they remain standing. May upuan naman, pero mas pinili nila ang tumayo habang nakikinig kay Headmaster.

"Do you have any idea why I called you?" Tanong naman ni Headmaster.

"If this is a guessing game, please inform us before hand." Sagot naman ni Yuan.

I rolled my eyes because of his sarcastic remarks. Wala talaga itong pinapalampas.

"Seems like nothing is change, your highness." Nakangiting puna naman ni Headmaster.

Jerk as ever. Gusto ko naman idugtong yun pero nanahimik na lang ako, baka kasi saan na naman mapunta ang usapang ito.

"So what's the catch? Another mission?" Tanong naman ni Violet.

Umiling naman si Headmaster.

"This is a very important matter for all of us. There will be two new student that will be joining the academy." Saad nito.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon