💠Chapter 33💠

86.3K 4K 1.2K
                                    

Snow's POV

Ilang oras na rin kaming naglalakad at sa totoo lang ay napapagod na rin ako at nagugutom. Nakakagutom itong ginagawa namin sa totoo lang.

"Yuan, I need to rest." Hinihingal na saad ko. Kahit malamig ang paligid pakiramdam ko ay nauubos ang lakas ko dahil sa paglalakad namin.

Luminga linga naman ito sa paligid. "Not here. We need to find a safer area." Saad naman nito.

Tama naman ito. Hindi dahil sa pagod ako ay dito na rin kami magpapahinga. This area is too open at madali lang kaming makikita rito. We continued to walk but to find a place where we can rest. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa iba but I check with the GPS our group is moving forward. It means wala pang nangyayaring masama.

May nakita naman si Yuan na isang kumpol na malalaking parang mga puno ng gabi kaya pumanhik kami roon. The surrounding is clean it has a red soil and it was fenced with tall paco weeds. Sure ba ito na safe kami rito?

"This place is safe." Saad naman ni Yuan. Agad akong naupo sa lupa. Wala na akong pakialam kung madumihan man akong suot ko. Pagod ako at hindi ito oras para sa kaartehan.

"How sure are you?" Tanong ko naman dito. Sa palagay ko walang safe dito na lugar kahit saan dahil lungga ito ng mga serpents.

"This plant is poisonous to the serpents so they will not dare to come near here." Sagot naman ni Yuan.

"Can't we bring this when we walk?" Tanong ko naman rito.

"If this is poisonous to snakes, it's much more to us." Sagot naman nito.

Agad naman akong napatayo na simbilis ng kidlat dahil sa takot. Poisonous din ito sa mga tao? Then bakit ako dito dinala ng damuhong ito? Gusto na ba nitong lasunin ako?

"Are you trying to kill me?" I asked him incredulously.

"Why would I?" Sagot naman nito. "You won't get poisoned if you will not eat it." Sagot naman nito.

Nakahinga naman ako ng maayos. Akala ko naman kung mapapadikit lang ako dito at mamamatay na ako. I know I am having exaggerated thoughts but with our situation right now, I cannot afford to overestimate things!

Hindi ko pa naranasang magcamping kaya first time ko na mag-overnight sa kagubatan at syempre alam ko na mag-oovernight talaga kami rito dahil ang layo pa namin sa gitna at naglalakad lang kami hindi pa mabilisan. Kaya ang magiging problema namin ngayon ay kung saan kami matutulog? Ayoko naman matulog dito dahil nakakalason ito di ba? What if aksidenteng makagat ko ang puno ng gabi dahil nananaginip ako? That would be an instant death.

"We can't stay here for long. We need to move." Saad naman ni Yuan.

I know kaya kahit gustuhin ko pang magpahinga pa ng matagal ay hindi pwede. We don't have the luxury to do that.

Tumayo na ako at pinagpag yung pang-upo ko. Tiningnan lang naman ako ni Yuan pero hindi ko na ito pinansin kung bakit ako nito tinitingnan. Abala ako sa kakaisip kung paano kami makakalabas ng buhay dito.

Naglakad ulit kami at we can still see the thick fog and the large trees pero sa di kalayuan ay namataan ko ang isang presensya. My eyes slitted when I saw the group of elves. Natigil kami sa paglalakad at agad na kumilos si Yuan. Agad na nakalapit ito sa akin at pumulupot yung braso niya sa bewang ko at agad na lumipad kami pataas ng pataas at hanggang sa parang lumapat yung mga paa namin sa isang malaking sanga.

Agad na nawala yung pakpak ni Yuan na hanggang ngayon at namamangha pa rin ako tuwing nakikita ko ito. We watched the group of elves from here. This location has a better view dahil nakikita ko ang ng nasa baba. Naintindihan ko naman kung bakit biglang dinala ako rito ni Yuan. The elves are creating such noise dahil lahat nga sila naglalakad at hindi tulad sa amin na naghiwalay para minimal yung ingay.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon