Chapter 6 - The Big Announcement

177K 2.7K 224
                                    

Chapter 6 – The Big Announcement

“Daddy, gusto ko paglaki ko, I’ll be married to a man like you.” Monique smiled to her father who was standing behind her, teaching her to play piano.

Umupo ito katabi niya at ginulo ang buhok niya, “Why me, princess? You can marry anyone like superman or batman. And you’re too young to think like that.” His dad laughed.

“Daddy, I’m serious!” she glared at him. Alam niyang masyado pa siyang bata para isipin iyon, she was thirteen yet she’s thinking about marriage. 

“Alright.” Sumuko na ito. “But why me, princess? Daddy’s not really that perfect.”

Ngumiti siya. “Kasi for me, you’re the best dad in the whole world. Mahal na mahal niyo kami pareho na mommy and inaalagan niyo rin kami. Ni hindi ko nga nakita na nag-aaway kayo ni Mommy e.” 

Greg smiled at what her only daughter said. “Kasi mahal kayo ni daddy pareho. Come here.” Lumapit naman kaagad si Monique sa daddy niya at nagyakapan sila. 

“Daddy.. Promise me. You’ll never break our hearts okay? You’ll not hurt us, me or mom.”

“I promise. Daddy won’t hurt you and your mom. And remember, daddy always loves you.”

---

“Dad, you lied to us!” Monique screamed. Kararating lang kasi ng dad niya sa bahay nila. Greg Valdez looked bad. Sa itsura kasi nito, parang natalo ito sa laro.

Medyo nagulat ito sa sinabi niya. Gusto niyang maiyak. She just confirmed it with the face expression of her dad. Tama nga ang hinala niya.

Noon pa niya naririnig na may ibang babae ang daddy at nalululong na ito sa mga sugal at casinos. Nakakahalata na rin siya noon pa man kasi medyo nagbago na ang pakikitungo ng daddy niya sa kanila ng mommy niya. He became cold and distant at them. Hindi na rin medyo tama ang allowance na ibinibigay nito sa kanya pero binalewala niya iyon. She trusted so much her father. Mas nanaig ang pagtitiwala niya rito, ang promise nito sa kanila na hindi sila kailanman sasaktan ng daddy niya. Ngayon pang twenty na siya,ngayon pang magbabago ang lahat sa kanila. Pero noon pa mang magfofourth year highschool na siya, may mga ganun-ganun ng sabi-sabi na nambababae ang daddy niya pero ayaw niyang maniwala.

And now, she confirmed it, with her very own eyes, nakita niya mismo kanina, nang papunta ito sa casino na may kasamang ibang babae at hinalikan pa ito sa labi. 

So that’s why her mom was crying for days because of it pero ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng mommy niya kasi she trusted her father so much, more than anyone. 

“Princess.. let me explain—“

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon