Special Chapter 1

176K 2.3K 190
                                    

Special Chapter 1

 

 

“Ah! Daddy, madaya ka!”

“Hindi ah, wala namang ginagawa si Daddy para mandaya.” Depensa ni Nick sa anak na si Chris habang binibigyan siya nito ng isang masamang tingin. Nasa living room kasi sila pareho kasama ang isa pang anak na lalakeng si Chace na naglalaro ng playstation.

Well, playing PS4 with his two boys was always their bonding time.

Chris pouted even more. Natalo niya kasi ito sa nilalaro nilang game. “Daddy naman e!”

Natawa naman si Nick sa inaasal sa apat na taong gulang niyang anak. “Hindi naman talaga nandaya si Daddy, right, Chace?” aniya sa isa pang anak na kasama nilang naglalaro.

“Ewan ko.” Kibit-balikat nitong sagot. Minsan, hindi makuha ni Nick kung kanino nito nakuha ang pagiging seryoso nito sa mga bagay-bagay. His son, Chris was always the cheerful one but Chace, lagi itong seryoso. Sabi nga ng ilan, masungit din daw.  Pero kahit ganun, parehas niyang mahal na mahal ang mga ito.

“Daddyyy!” napahinto naman si Nick at napatingin kay Cheska na papunta na sa kanila ngayon. Kaagad siyang niyakap ng babaeng anak, parehas kasi silang lahat na nakaupo sa sahig habang naglalaro. It was Sunday anyway. Both him and Monique are free from their respective jobs. He, being still a CEO of Torres Corp while Monique, nagustuhan na nito ang pagtuturo sa mga bata, just like her job in Canada before.

“Hey, baby.” Nick chuckled when her daughter hugged him.

“Daddy,” panimula nito nang bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya. “Sabi ni Mommy, may spongebob ka raw sa tiyan mo. T-totoo po ba?” she asked him with full of innocence.

Napailing na lang si Nick sa tanong nito. Well, hindi pa rin niya kasi tinatanggal sa tiyan niya yung spongebob tattoo ‘nung pustahan nila ni Kurt noon.

Natatawa niyang sinagot ang anak, “Yes, baby. You know, Mommy’s the one who saw it first.”

“Can I see?” his daughter beamed.

Mas lalo pang natawa si Nick sa sinabi nito at itinaas ng konti ang suot niyang navy blue poloshirt.

Cheska’s eyes widened the moment she saw the tattoo. Parang natutuwa pa ito. “It’s real! Spongebob’s there!”

---

Hindi naman maiwasan ni Monique na mapangiti habang pinapanood ang mag-aama sa living room. Talagang ang kukulit kasi ng mga bata.

“Hey,” parehas namang napalingon ang apat sa kanya ng tinawag niya ito. “Tara na.” she added. Tapos na kasi siyang magbihis para sa pupuntahan nilang mall mamaya. Kasali na roon ang paggrogrocery nila at ang pagbili ng mga gamit sa mga bata para sa school ng mga ito. The three of them will be in kindergarten soon.

“Kids, tara na.” sabi naman ni Nick sa mga anak at nagsitayuan na ito. “Chris, Chace, turn off the play station.” Sinunod naman kaagad ng dalawa ang sinabi niya at tinurn-off na ng mga ito PS4.

Nauna na ang tatlo na lumabas sa bahay nila at naiwan naman sina Monique at Nick.

“You’re sexy as always, wife.” Nick whispered naughtily into her ear. Natawa naman siya sa sinabi nito. Nakasimple sundress lang naman siya habang ito, naka-navy blue polo shirt at white pants.

“Babe,” she giggled. “Stop that. Nandito pa ang mga bata, mamayang gabi na lang. Sige na, lock the door.” Pagkatapos ay nauna siya rito papunta sa kotse nila.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon