Chapter 31 - Complicated

114K 1.7K 31
                                    


Chapter 31 – Complicated

 

DNA: POSITIVE

Gulat na gulat si Nick nang mabasa ang nilalaman ng envelope na ipinadala sa bahay nila kanina. Ni hindi pa nga siya tapos sa pagbubutones ng damit niyang nang bigla na lang siyang tinawag ni Monique sa baba na may nagpadala sa kanya ng isang envelope.

It was Daisy and Monique’s DNA result. Nagpa-DNA test kasi siya para malaman kung totoo nga ang mga sinabi sa kanya ni Daisy. Mabilis lang kasi niya nakuha ang test, 1 week after, nakuha na niya ang result.

He was hoping na magiging negative ang resulta. He doesn’t want things to be complicated lalo’t pa na buntis ang asawa niya. Ayaw niyang mastress ito sa mga bagay-bagay.

But then, it was positive. Everything will be complicated. Hindi na niya alam kung anong susunod na gagawin niya.

“Babe? May problema ba? Nakatulala ka yata d’yan habang binabasa ang laman ng envelope.” His wife suddenly interrupted. Napatingin naman agad siya rito at halata sa mukha nitong naguguluhan ito sa kanya.

Nasa sala kasi sila. Nakaupo siya sa couch habang binabasa ang resulta while his wife was standing in front of him, hands on her belly. Malaki-laki na kasi ang tiyan nito at ilang buwan na lang ay manganganak na ito.

He just smiled. “Nothing. Papeles lang na kailangan kong pagtrabahuin sa opisina.” He lied. Para sa kanya, hindi pa iyon ang tamang oras para malaman nito ang lahat ng katotohanan.

“Ganun ba? You mean, mag-oovertime ka na naman ba?” malungkot ang tono ng boses nito nang sabihin nito iyon. Initindi na lang ito ni Nick dahil sa kondisyon nito.

He shook his head and stood up.  He then wrapped his arms around her shoulders. “No, hindi. Hindi ako mag-oovertime kasi ayokong maging malungkot si Misis.” He winked. Natawa naman ito sa ginawa niya.

“Buti na lang talaga na babae ang anak natin kundi naku, magiging corny siya gaya mo. Hahaha.” She heartily laughed. Inabot nito sa kanya ang hawak-hawak nitong lunchbox. “Yan, inihanda kita ng baon. Baka kasi malimutan mo na naman ang mananghalian. Sayang naman ang muscles at abs mo.” Natatawang dagdag nito at tinanggap naman niya ang lunchbox.

Nick playfully kissed her on the cheek. “Wow, thanks wife. Alam ko namang isa sa mga assets ko ang muscles at ang abs ko kaya ka nainlove sa kin.”

Natawa na naman si Monique sa sinabi niya. “Manganganak ako ng ‘di-oras sa mga sinasabi mo e.” napailing pa ito. “Nga pala, babe, mamaya ha, bibisitahin ko si Mommy sa bahay para naman may kasama siya. Siya lang kasi mag-isa dun saka para naman hindi na ako maging loner dito. I’ll text you.” She added.

“Sige, text me quickly. Are you sure na hindi ka na magpapahatid kay Mr. Verrano?”

Umiling ito. “H’wag na. Nakakahiya naman sa matanda. Magtataxi na lang ako. Kung bakit kasi hindi mo ko pinapayagan magdrive gamit ang kotse ko.” She pouted.

Nick chuckled at his wife’s childish expression. “I just want you and our baby safe. Taxi na lang. And just be careful, okay? Text me agad kung makarating ka na. I love you.”

Monique gave him a quick peck on the lips. “Okay, I love you too.”

---

Excited na bumaba si Monique mula sa taxi nang makarating na siya sa dati nilang bahay kung saan din pansamantalang nagstestay ang Mommy Gia niya. Excited kasi siyang makabonding muli ang ina. Ilang taon kasi itong hindi bumalik sa Pilipinas at aminado siyang hindi na sila nagkakapaglibang na dalawa.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon