Chapter 33 - Lost

119K 1.7K 211
                                    

Chapter 33 – Lost



Kararating lang ni Nick sa bahay nila dahil sa overtime. Kaagad siyang pumunta sa kwarto nila ng asawa niya nang mapansing hindi na siya nito sinalubong sa pag-uwi niya. Mabuti na lang dahil may duplicate key siya sa bahay nila kasi sarado na ang pinto ng dumating siya. He knew it was already midnight.

Nang dumating na siya sa kwarto nila, he saw her sleeping soundly on their bed. Hindi na siya nito sinalubong para sumbatan at akusahan na naman na nambababae siya.

He then went near her and gave his wife a kiss on her forehead. Hinaplos din niya ang malaking tiyan nito, kinakamusta ang magiging anak nila.

He smiled at his wife sympathetically. Alam niyang nahihirapan ito dahil sa sitwasyon ng buhay nito. She was already experiencing tantrums because of her pregnancy tapos bigla na lang sumabay ang mga issues ng totoo nitong pagkatao.

Hinaplos niya ang pisngi ni Monique. “I’m so sorry.. but.. please, trust me. I’m just doing this for your own good.”

Buong buhay niya, nang makasal sila, wala na siyang ibang hinangad kundi ang maging masaya ito. He only wants her happiness even though it will hurt him more. Kahit siya lang masaktan, magago at magdusa, wala siyang pakialam basta makamit lang ng asawa niya ang kaligayahan nito.

He’s willing to sacrifice everything for his wife because he loves her so much. Gagawin niya ang lahat para lang hindi ito maghirap. Hanggang sa makakaya niya, gusto niya itong maging masaya kasama ang magiging anak nila.

---

Nagising na lang si Monique nang makarinig siyang may naliligo sa banyo ng kwarto nila. Kinukusot-kusot muna niya ang mga mata niya bago idilat ito ng buo. She knew it was his husband who was currently taking a bath. Alam niyang umaga na at magtratrabaho na naman ito.

Kagabi, sinadaya niya talagang matulog ng maaga at hindi na hintayin pa ang pag-uwi nito dahil sa kasinungalingang nalaman niya rito. Because of the DNA results she saw on the envelope which was his husband’s belongings, nalaman niyang noon pa pala nitong alam ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao niya. She kept asking him before kung may itinatago ito sa kanya, pero sabi nito wala at magtiwala na lang siya rito. Panay pa ang sabi nito sa kanya noon na kailanman, hindi siya nito lolokohin at hindi ito magsisinungaling sa kanya.

But as what she just saw, Nick was lying. He lied to her.

Bigla namang tumunog ang cellphone nito sa table na katabi lang ng kama nila. Kumunot ang noo niya. Mukhang mag-oovertime na naman ito dahil alam niyang si Jen lang, ang secretary nito ang magtetext sa mga ganoong oras para magremind sa tratrabahuin ni Nick sa opisina.

Curious of what it would be, she struggled to stretch her arm to reach out his cellphone while Nick was still taking a bath. Ilang minuto rin ay naabot na niya ang cellphone nito.

She quickly opened Nick’s phone. Alam niya kasing hindi naglalagay ng password si Nick sa phone nito—saying before that wala naman daw siyang itatago kaya hindi na raw nito kailangang lagyan ng password. She knew he was just kidding pero tinotoo ng asawa niyang hindi talaga ito lagyan ng password.

Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng sender ng message.

“Tita Gia?” she muttered when she saw her estranged mother’s name. Bakit ito magtetext kay Nick? And if she was already texting Nick, why didn’t he tell her?

Fr: Tita Gia

Hijo, mamaya, kasama ko rin si Daisy sa pag-uusap natin.

Maraming salamat sa tulong.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon