Chapter 30 - Lies

123K 1.8K 50
                                    


Chapter 30 – Lies


“Monique, hija.”

“Mom!” Monique struggled to get up from the couch nang biglang dumating si Gia. Nasa sala kasi siya ng bahay, nanunuod ng TV. As usual, ang asawa niya, nagtratrabaho. Ganito naman kasi lagi ang set-up nila. Nick will go to work everyday then she’ll be left alone in their house but her husband will always be the one who’ll cook the food every morning until lunch. Gumigising ito ng maaga para lang paglutuan siya. So, wala na siyang proproblemahin sa bahay pero kapag nagkaroon naman ng problema, he instructed her to contact him immediately, 1 ang emergency number nito sa phone niya. And every night, siya naman ang magluluto para sa kanila. Also, in cleaning their house, naghire sila ng housekeeper na maglilinis every Sunday, kung kailan walang trabaho si Nick.

Hindi kasi siya nitong hinahayaang mapagod dahil sa pagbubuntis niya. Nick was still caring and protective to her.

Natawa naman si Gia nang mahirapan si Monique sa pag-upo mula sa pagkakahiga nito sa couch. She just shook her head and went near to her daughter to help her to get-up. “Ganito talaga ‘pag buntis.” Natatawang saad niya rito habang tinutulungan itong maupo.

Sumimangot lang si Monique sa sinabi niya. “Kung alam ko lang, sana hindi na ako nagpabuntis kay Nick.” She replied back, although she was just kidding.

Ningitian lang ni Gia ang anak saka tinabihan ito sa pagkakaupo. “Masaya ako sa inyo, anak. Kasi.. masaya kayo sa isa’t-isa.”

Monique giggled with her mother sudden drama. “Ang drama mo Mom! Lola ka na tapos nagdradrama ka pa rin.” She joked. Bigla na lang kasi itong magsasalita sa kanya ng seryoso. But she knew, her mother was not happy with her dad before. Lagi kasi itong umiiyak noon dahil sa pambababae ng dad niya. Including his reckless gamblings. All of their properties were wiped out or were sold out to a bank. Nabankrupt sila dahil sa pagsusugal at mga utang ng dad niya. And if the Torres family didn’t help them, she doesn’t know what their life will turn out.

“Saka nga pala Mom, ganito ka rin ba ‘nung pinagbubuntis mo ko? Talagang ang hirap talagang bumangon kapag nakahiga ka. Nakakatawa nga kasi araw-araw, lagi kaming ganito ni Nick. Kaya minsan, nalelate tuloy siya sa work niya.” She said instead to lighten up the mood.

Napansin naman niyang medyo nagulat ito sa sinabi niya. Parang hindi nito alam kung anong i-rereact nito sa sinabi niya. “Mommy?” she was puzzled at her mother’s face expression.

“Ah!” nagsalita agad ito na kumbaga parang walang nangyari. “O-oo naman. Ang hirap talaga. Hahaha, nahirapan nga akong makatayo ‘nun kasi ang laki-laki talaga ng tiyan ko. Malusog na bata ka e.” Gia added and playfully pinched Monique’s nose.

She just laughed at her mother’s answer. “Well, that was a good old days.”

“Uhmm.. y-yeah. Well, oo nga pala. Nagdala ako ng mga groceries. If you want, gusto kong magluto tayo. Para naman ‘pag dating ng asawa mo, everything’s settled.” Her mother just suddenly said.

Monique raised an eyebrow at her mother’s action. Parang naging balisa kasi ito.

---

“Anak ko si Monique.”

“I.. I can’t understand. P-Paano mo siya naging anak?” naguguluhang sabi ni Nick sa babaeng nagpakilala sa kanyang si Daisy Monteverde. Bigla-bigla na lang kasi itong pupunta sa office niya tapos sasabihing anak nito ang asawa. He was already stressed out from work tapos bigla na lang itong susulpot at sasabihing anak nito si Monique? His relationship with his wife now is very okay. Masayang-masaya sila sa pagsasama nila ngayon and obviously, love is in the air. They were even going to have a child now tapos magiging kumplikado na naman ang lahat dahil sa sinabi nito?

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon