Chapter 28 - The Woman I Love

141K 1.9K 47
                                    


Soundtrack of the chapter, "The Woman I Love by Jason Mraz", (vid on the right)

Chapter 28 – The Woman I Love



“Babe..” 

Nagising naman si Monique nang may humalik sa pisngi niya. Napaupo siya mula sa pagkakahiga niya sa kama at napahikab.  Napatingin naman siya sa gilid niya saka nakita ang asawa na nakatayo at nakangiti sa kanya. “N-Nick! Bakit nandito ka pa? Diba may work ka ngayon?” she surprisingly said as she still saw her husband here in their suite.

Tumabi ito sa kanya sa kama. Nakapambahay pa rin ang suot nito, plain sando saka boxers. “Diba, I promised na sasamahan kita rito sa pamamasyal? Kaya, I’m here, buong-buo.” Malambing na sabi nito sa kanya. Then he held her hand. 

“P-pero.. paano yung expansion? Kailangang-kailangan ang presence mo ‘dun. I don’t want you to neglect your duties just for me.” Aniya rito. Okay lang naman talaga sa kanya na magtrabaho ito. She understands it na natural na busy ito kasi Nick is a CEO of a very large corporation.

“Don’t worry. I settled everything out. Tinapos ko na lahat kahapon ang mga dapat tapusin para sa expansion, so the remaining days will be ours. Sige na, magshower ka na at magbihis. We’ll go out.” He winked then he stood up.

“Huh? Saan ba tayo pupunta?” 

“Basta, it’s a surprise. You’ll love it. Shower na. O gusto mong sabay na tayo?” he naughtily replied. 

Hindi maiwasan ni Monique na matawa sa sinabi nito and of course, she’s also excited for his surprise. “Pervert. Oo na. Siguraduhin mo talagang mag-eenjoy kami ni baby ha!” she giggled.

“Of course, mag-eenjoy talaga kayo. Wear something light. Yung hindi masyadong mainit.” Pagkatapos ay iniwan na siya nito. 

Hindi naman niya maiwasan mapaisip sa sinabi nito. Saan kaya kami pupunta? 

---

“Thanks for the ride Mr. Villaluz, tatawag na lang kami ulit ‘pag magpapasundo na kami.” Sabi ni Nick sa lalakeng Pinoy na naghatid sa kanila pagkatapos ay tumango lang ito saka umalis. Ito kasi ang nirefer sa kanya ni Mr. Genares, isa sa boardmember ng Torres Corp na kakilalang pwedeng maghatid-sundo sa kanila sa Austra. Sa Australia rin kasi nagstestay si Mr. Villaluz.

Nilapitan kaagad ni Nick ang asawa niya na nakatayo lang habang manghang-mangha pinagmamasdan ang puting buhangin ng dagat. 

“Babe.. Beach?” she was still surprised as he approached her and held her hand. Nakafloral dress lang ito saka light sandals.

Nick just smiled. “Yes and more. Do you like it?” He was also very thankful dahil sa expansion ng Torres Corp dito sa Austra, marami siyang nakilala and because of that, nakatulong iyon para sorpresa niya sa asawa niya. That’s why he told her to dress lightly kasi pupunta sila sa beach. 

Aminado kasi siyang medyo nagiging busy na siya dahil sa trabaho niya at hindi na niya ito nasasamahan. Kaya ngayon, bumabawi siya. He loves his wife so much.

Masayang niyakap siya nito. “Of course! I love it!” then she quickly gave him a peck on the lips. “Oh my god, matagal-tagal na rin hindi ako nakakapagbeach. Thank you so much, babe. I’m so happy.”

Hindi maiwasan ni Nick na matawa sa reaksyon nito. “Anytime, wife.”

Monique suddenly stuck her tongue out at him. “Habulin mo ko. Hahaha!” bigla na lang itong tumakbo papalayo sa kanya. Medyo matao rin ang beach na pinuntahan nila, of course, mostly are Australians. Tamang-tama lang din ang klima roon. The wind is okay at the sun is not too hot.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon