Chapter 29 - Confusing Events

121K 1.8K 63
                                    

Chapter 29 — Confusing Events


"Uhm.. Babe?" Kaagad namang nilapitan ni Nick ang asawa niya na nakahiga lang sa kama.

Katatapos lang kasi niyang magbihis para sa trabaho. "Yes, babe, why?"

"T-Tulungan mo naman ako rito.. H-Hindi ako makabangon." She was struggling to get up by herself because of her huge belly. Hindi maiwasan ni Nick na matawa rito. Talagang hirap na hirap ito sa sarili habang pinipilit na bumangon mula sa pagkakahiga sa kama nila.

She gave him a murderous look. "Anong tinatawa mo diyan? Tulungan mo nga ako rito!" naiinis na sabi nito sa kanya habang sinusubukang pa ring bumangon sa sarili nito mismo. Dahil sa malaki nitong tiyan, aminado siyang nahihirapan ito.

"Okay, easy." Natatawang saad niya at hinawakan ang dalawang kamay ni Monique at dahan-dahang hinila ito papaupo.

Seven months na kasi itong buntis. And as the months went by, mas nagiging emotional ito at moody. Minsan, iiyak na lang ito bigla habang nakaharap sa malaking salamin nila sa kwarto, tatawagin siya nito at mas lalo pang iiyak sa harap niya, sabay sabing mukha na raw siyang balyena dahil sa laki niya. Iiyak ito sabay reklamo na hindi na raw kasya ang mga sexy nitong damit sa kanya. Minsan nga rin, kapag nag-oovertime siya dahil sa trabaho, 'pag dating niya sa bahay, magugulat na lang siya na ang mga gamit niya ay nasa sala na at galit na ito sa kanya kasi kaya raw siya nag-oovertime dahil may babae siya. Minsan, nanglalambing ito sa kanya, minsan naman, bigla siya nitong hindi papansinin sa hindi malamang kadahilanan. Monique often had mood swings.

Yes, sometimes, naiinis na siya at naaasar sa mga ikinikilos nito. Oo, minsan, nasasakal na rin siya sa pagiging demanding nito. But he understands all of it. His wife is pregnant and is soon going to have their child. And he loves her very much.

"Thanks." She said as she struggled to stand up too. Tinulungan na rin ito ni Nick na tumayo.

"Wala man lang bang morning kiss galing kay Misis?" He joked nang makatayo na nga ito.

Natawa naman ito sa sinabi niya. "O, ito na Mister." Then she kissed him on the lips. But Nick suddenly deepened their kiss as he wrapped his arms around her waist. Tumugon din naman si Monique sa halik niya. She felt his tongue delved into hers and she did the same.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Nick but he didn't budge and still continued the kiss.

Naramdaman naman ni Monique ang kamay ni Nick papunta sa loob ng damit niya. She felt his hand on her right breast while his phone was still ringing.

"Uhm.. Nick!" she called his name between their kisses.

Tumigil naman ito at sumimangot. Hindi pa rin tumitigil sa pagriring ng cellphone nito. "What?" naiirita nitong sabi sa kanya nang huminto siya.

She just chuckled on his expression. Parang frustrated kasi ito. "Pick up your phone. Baka ang secretary mo yan, tinatawagan ka para sa boardmeeting niyo mamaya."

He frowned more. "Damn that meeting. Istorbo." Napilitan din itong kunin ang phone nito at sinagot ang tawag.

Napailing na lang si Monique dito. Well, she's already used to his husband's naughtiness. Kahit ngayong buntis siya, he was still demanding in the bed. Pero wala namang problema sa kanya, alam din niya kasing minsan, nasasakal na ito sa mga mood swings niya, lalo't pa, every month, palala ng palala ang pagiging emotional at moody niya. And of course, she's also willing. She loves him anyway.

Pumunta naman agad siya sa malaking salamin ng kwarto nila at pinagmasdan ang sarili. She scowled. "Ang laki ko na. Bakit kasi ganito?" she pouted as she examined herself into the mirror. Malaki na kasi ang tiyan niya dahil pitong buwan na siyang buntis. At ilang buwan na rin, manganganak na siya. Pero kahit ganun, hindi niya pa rin maiwasan mainsecure. Ang taba-taba na niya kasi. Tapos yung mga empleyado ng asawa niya sa Torres Corp, ang sesexy. Lalo pa ngayon ni pinatigil na siya ni Nick sa pagtratrabaho at sa bahay na lang siya. He was worried for her condition kaya hindi na ito pumayag na magtrabaho pa siya. Mas lalo tuloy siyang naiinsecure sa mga employees nito.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon