Chapter 27 - Don't mess up with the Pregnant

134K 2.1K 68
                                    


Chapter 27 — Don't mess up with the Pregnant


"No burgers, no fries, no FAST FOODS." Madiin ang pagkasabi ni Nick sa salitang 'fast foods' sa asawa niya. Nakaupo lang ito sa kama habang inaantay siyang matapos sa pagbibihis. As usual, aalis na naman kasi siya para magsupervise sa expansion and Monique will be left alone again. Pero gaya rin kahapon, hahayaan niya lang itong maglibot-libot sa Australia and of course, she must still text him from time to time para mamonitor niya ito.

Nakasimangot itong nakatingin sa kanya. "Ha? Pero boring kung wala akong kakainin sa lakad ko, babe."

Nick frowned. Heto na naman, hindi na naman ito makikinig sa kanya. Kagabi, kaya pala siya nito nilalambing dahil may hidden agenda naman pala ito—ginamit nito ang credit card niya para sa mga kinain nitong burgers. Actually, wala naman talagang problema sa kanya. What belongs to him also belongs to his wife. Pero ang hindi tama, ang kakakain nito ng mga burgers—fast foods exactly. He's just thinking for his wife's health as well as the little angel on her womb.

"Okay, so you'll eat the right kind of foods, vegetables, fruits, fish but NO FAST FOOD RESTAURANTS." He replied back seriously. Tapos na rin siyang magbihis at lahat-lahat. Hindi niya maiwasan mapatingin sa medyo malaki nitong tiyan. Nahahalata na kasi ang tiyan nitong lumalaki. Malapit na rin kasing magthethree months ang asawa niya. The baby bump on her tummy can already be noticed.

Mas lalo itong sumimangot. "Babe naman e.. Minsan lang naman.."

Bumuntong hininga si Nick. "Monique, sundin mo ang mga sinabi ko please. This is for your own good."

"Pero buntis ako.. kaya natural lang—"

"Don't use that line to me again." He didn't let her finish her sentence. He is still trying to be patient to her. "I'm serious, Monique. Once na maubos na ang pasensya ko, magiging vegetarian ka na hanggang sa dumating si baby. I know you won't like that." Pananakot niya rito. He knew her very well kaya hindi na ito magrereklamo pa.

His wife just rolled her eyes at him. Tumayo ito. "Fine! You win! O, sige na. Umalis ka na. Baka malate ka pa. Duh." She sarcastically said to him and folded her arms.

Napabuntong hininga na lang ulit si Nick. Simula yata nang maging buntis ito, mas naging moody ito at masungit. Ewan niya, naguguluhan siya rito. Minsan, mabait. Minsan, masungit. Pero pinipilit na lang niya intindihin ito dahil sa kondisyon nito. As what she always reasoned out, hormones.

"Sige na. I have to go. Be careful. H'wag mong kalimutan na itext ako. I love you." He quickly gave her a peck on the lips at went out.

Nang tuluyan ng makalabas na si Nick sa suite, Monique smirked.

Pumunta agad siya sa kusina at binuksan ang fridge. She smiled widely. Buti na lang ay nakaisip siya ng plan B. Hindi kasi naging successful ang plan A niya na lambingin ito by showering her husband with her kisses.

Sumimangot siya. Akala niya, madadala ito sa mga halik niya pero hindi pala. But she was thankful kasi hindi ito nagalit sa kanya, pinagsabihan lang siya nito and as usual, labas-tenga na naman para sa kanya ang mga sinasabi nito.

Eh masarap kumain e lalo pa't buntis ako. Kinuha na ni Monique ang beef meat na para sa burger saka ang mga buns at mga condiments sa fridge na binili niya. Her plan B was to buy the ingredients to make burgers kung sakaling hindi madadala si Nick sa mga halik niya. Buti na lang talaga ay may fridge ang suite nito kaya naitago niya ang mga pinamili niya. Siya na lang ang magluluto ng mismong burger sa kusina.

"Homemade burgers 'to, hindi sa isang fast food restaurant kaya okay lang." She smiled as she touched her tummy. "Diba, baby? Ito kasing daddy mo, ang OA. Ako naman ang manganganak. Don't worry, kaya kumakain ng marami si mommy para maging malusog ka." Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala. They're going to be parents. Naeexcite na siya.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon