Whatever it Takes

578 7 0
                                    

🎵Playing Young by The Chainsmokers🎵

"Hello Brow?  Seryoso ka ba huh pupunta ka sa Surigao mag-isa? " tanong ni John sa kabilang linya.

"Yup.  I wanna get outta here.  Baka pwede ako mag-stay sa rest house niyo kahit 1 week lang. " pagmamakaawa ko Kay John.

"Eh Brow pano parents mo?  Nag-paalam ka na ba? " alalang tanong ulit niya.

"Im a big boy now.  Tska Sem Break naman eh.  I just want to enjoy our vacay" pilit ko pa sa kanya.

"O siya sige sige kailan mo gusto pumunta dun? tanong niya na mukhang napipilitan.

"Bukas Brow..  Sunod na lang kayo ni Darryl" agad ko namang sagot.

"What so di ka na papasok bukas?  Dom naman one day na lang sem break na aabsent ka pa? " pinapagalitan ata ako ng mokong.

"Ok lang yan it's just one day" sabi ko na parang walang inaalala.

"Ano na naman ipapalusot namin nito sa mga Prof? " pag-aalala niya.

"Sabihin niyo lang na di niyo alam that's it.  I'm already done packing I'll go there sa condo now to borrow your house keys" I said as I went downstairs and was caught by my Dad.

Di na nakasagot si John kasi in-end ko na yung call nang makita ko si Dad.

"Dominic how are you? "He asked out of nowhere.

"Tsskk" all I've said and went straight outside and ride in to my motorcycle and go without saying goodbye to anyone.

*****************************************

" Stella ano balak mo ngayong sem break? " tanong ni Riva,  classmate ko.

"Oo nga baka gusto mong sumama sa amin magbabakasyon kami sa Surigao? " pag-aya naman ni Nicole.

"Ang layo naman,  alam niyo namang di ako basta basta makakaalis ng bahay eh" sabi ko habang naglalakad kami palabas ng gate.

"Big girl ka na sayang naman masaya pa naman magtravel habang bata pa" pagbibida ni Nicole.

"Eh ano gagawin mo sa 2 weeks na sem break natin? Tanong ni Riva.

"Don't tell me sa bahay ka lang?.. Ang boring nun. Try to make something new gurl"OA na sabi ni Nicole.

Pero napaisip ako dahil sa sinabi niyang yun.  Meron akong gustong gawin since mahaba haba ang bakasyon.  This time ready na akong gawin ito.  May tamang panahon at may konting savings na din naman ako,  siguro naman sasapat na yun para hanapin siya.

"Uy... Ano na natutulala ka na naman diyan,  ano iniisip mo? "sabay akbay sa akin ni Riva.

"Ahm.  Girls pwede ba humingi ng favor? "Tanong ko sabay pout ng lips.

"Ay naku mukhang mabigat yang hihingin mong favor ah oh nagpa-puppy face ka na naman eh"sabi naman ni Nicole.

"Haha.. Eh ano bang favor ang hihingin mo sa amin? "Tanong ni Riva.

"Ano kasi hmm di ba next week pa naman kayo aalis,  baka pwede niyo naman ako tulungan this weekends"pagmamakaawa ko sa dalawa.

"Hmm ano ba kasi yan? "Atat na tanong ni Riva.

"Ahm..  Pwede patulong ahm..  Gusto ko Sana makita na si Papa" malungkot na tinig ko.

"Ah.. Yun lang pala eh oo naman walang problema sa amin di ba Nicole? " sabi ni Riva. At bigla naman nagliwanag ang mga Mata ko sa narinig na tutulungan nila ako.

"Ah oo naman kaso paano? Saan tayo magsisimula? " tanong naman ni Nicole.
Bigla na naman akong na-sad.

"Hmm don't worry di ba nay internet naman alam mo naman siguro yung full name ng Papa mo di ba?  Pwede nating hanapin sa social networks or Google. " pagpapalakas ng loob ni Riva.

Two Less Lonely StrangersWhere stories live. Discover now