Bad Day

179 7 1
                                    

Author's POV

Unang araw na ng pasukan, maagang dumating sa school si Stella. Hinihintay niyang dumating ang dalawa niyang kaibigan. Dahil sa inip ay napagpasiyahan niyang maglibot sa Campus habang suot ang malaki niyang headphone.

Playing Tala 🎶

Tala
Ang gusto kong makuha
Nakatingin sa bintana
Kausap ang tadhana

Tala
Ikaw ang aking tala
Na matagal kong hinanap
Abot kamay ko na...

Di' natin alam ang panahon
Kaya't sulitin ang pagkakataon

Liligaya ka sa piling ko
Hinding-hindi ako maglalaho
U-ulanan kita ng taglay na aking pagmamahal
Na, na, na, na, na (Oh-wooh)
Ayoko ng humanap ng iba
Gusto kita oh aking tala...

Sa lakas ng soundtrip ni Stella ay di niya narinig na may papalapit sa bandang kaliwa niya at di inaasahang makakabangga ang isang lalaking may bagong mukha na nakasakay sa skateboard.

"get out of my way! " sigaw ng lalaki.

"Oh my! Araay." napaupo si Stella sa sahig habang ang lalaki ay napadapa sa harapan niya na dahilan para madaganan siya.

"aaahhh! " nagtititili si Stella nang makita niyang nakadagan sa kaniya ang lalaki.

"hey hey hey! Will you stop shouting!" supladong saway ng lalaki, natahimik naman si Stella at tila napanganga nang makita ang mukha ng lalaking nasa harapan niya.

"and please take off your huge headphone,  are you on the 90s or what. " saad ng lalaki nang makatayo ito.

"woah, ang aga naman ng Inglesan na ito." bulong ni Stella.

"what? Are you saying something? " nakakunot na noo ng mayabang na lalaki.

"I'm sorry ha kasalanan ko pa pala, nakita mo na nga na may dadaan dumerederetso ka pa." inis na saad ni Stella.

"what did you just say? " tila hindi siya naintindihan ng lalaki.

"wala sabi ko yung skateboard mo hindi bagay sa iyo." sabay umirap sa lalaki.

"what a stupid.! " bulong na lalaki at saka lumakad palayo at iniwanang nakaupo sa sahig si Stella.

"stupid talaga? Hmmp yabang!" bulong ni Stella at saka tumayo mag-isa.

Maya maya pa...

"Oh Stella anong nangyari sa kamay mo bakit nagdudugo? " tanong ni Riva nang makita ang kaibigan.

"OMG Stella lets go to the clinic." OA na saad ni Nicole.

"ano ba konting galos lang yan clinic agad. "dagdag pa ni Riva.

"badtrip kasi yung mayabang na lalaki ni yun eh, naku pagnakita ko siya yari siya sa akin." nagulat naman ang dalawa nang makita na nagiinit ang ulo ni Stella.

"akin na nga yang kamay mo gagamutin ko. " ani ni Riva na mabuti na lang at may dalang first aid kit sa bag niya.

"sino ba yang lalaki na sinasabi mo ha, first day na first day wala ka sa mood." pag-aalala ni Riva ng makarating sila sa room.

"ewan akala mo naman ang gwapo eh mukha namang ewan, pa-english english pa siya. " dagdag pa ni Stella na patuloy sa pagbe- vent out.

Krrrrrnnnngggg....

Nagsimula na ang unang klase at lahat ng estudyante nagsipasukan na sa kani kaniyang room.

"Good Morning class, welcome to the new semester. My name is Ms. Jolie Sta. Maria and I will be your advisor for the whole semester. Simple lang rules ko in my class. First gusto ko nag-aaral kayo palagi and when I say palagi hindi lang dahil may exam dapat makita ko na nagrereview kayo before the discussion. Second, wala akong pake kung maingay o late ka sa klase basta siguraduhin mo na kapag tinawag ko ang pangalan mo sa recitation ay makakasagot ka. And Last but not the least, hindi ako tatanggap ng late assignment or project, zero tolerance tayo maliwanag? " saad ng bago nilang Prof na mukhang maamo ngunit masungit pala.

Two Less Lonely StrangersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ